Wikang Filipino slogans (photo by abfilmsugensan.blogspot.com)
Large Collection of Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas Slogans (Buwan ng Wikang Pambansa Slogans)
1. Sa pakikibaka tungo sa Katuwiran at Kaunlaran,
Wikang Filipino ang tanging sandigan
Na nagbibigay ng kalakasan at kaliwanagan - by khen
2. Sa daan ng buhay na tigib ng karimlan at kawalan ng pag-asa,
Manalig sa magagawa ng ating pambansang wika,
Wikang Filipino ang magsisilbing ilaw at lakas
Upang tahaking matagumpay ang tuwid na landas. - by khen
3. Sa paglalakbay sa daan ng mga pangarap
Hindi maiiwasang harapin ang mga sakit at hirap
Ngunit sa wikang Filipino tayo'y pinag-iisa ng patnubay,
Upang anumang pasubok ay tiyak magtatagumpay - by khen
4. Tanggalin mo ang pambansang wika ng isang bansa,
Parang tinanggal mo na rin ang liwanag sa loob ng isang bahay - by khen
5. Bigyan mo ako ng isang bansang walang pambansang wika,
At bibigyan kita ng isang bansang magulo at watak-watak ang adhika.
Ngunit bigyan mo ako ng isang bansang may pambansang wika
At bibigyan kita ng isang bansang nagtatagumpay dahil sa pagkakaisa - by khen
6. Nanghihina man ang isang bansa,
Ngunit pinalalakas ito ng iisang wika - by khen
7. Tingnan mo kung gaano katayog at kaunlad ang isang bansa,
Ganun din katayog at kalawak ang kanilang unawa sa kanilang wika - by khen
8. Bakit nagkakagulo at nag-aaway-away ang mga tao sa isang bansa?
Dahil nadidimlan ang kanilang isip sa kawalan ng iisang wika. - by khen
9. Mas madilim pa sa pusikit ng kadiliman ang isang bansa,
Dahil sa kawalan ng liwanag dulot ng pinag-iisang wika - by khen
10. ilaw ang ating wika,...
lakas ng bawat bansa... - by benvy reyes
19. Wikang Filipino'y bigyang halaga...
gamitin natin lagi upang baya'y magkaisa! - by sally penid
20. Bawat lahi may kultura,may sariling kakayahan
Na 'di dapat talikuran.'di dapat talikdan
wikang filipino ay ingatan,payabungin at paunlarin
sa pag panday ng lipunang may paglayang maangkin. - by m. gracelen quijada
21. Ang sariling Atin Ay Mahalin, Sariling Wika ay Tangkilikin - by guialanterna
22. Wikang Filipino ipag malaki mo, Di lamang dito, Kundi sa buong mundo - by jholina matabuena
23. /*** Your slogan might be here ***/ - by your name
I will put your slogans here in the list including your name. Start to contribute now!