Home » Articles » Events

Ika-14 na Gawad Pasado at Pambansang Seminar-Worksyap sa Pagpapatibay at Pagpapalaganap ng Kadalubhasaan sa Pagtuturo Panitikang Filipino

Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (Pasado) ay magdaraos ng Ika-14 na Gawad Pasado at Pambansang Seminar-Worksyap sa Pagpapatibay at Pagpapalaganap ng Kadalubhasaan sa Pagtuturo ng Pelikula, Wika at Panitikang Filipino sa Abril 27-28, 2012 sa Angelicum College, N. Domingo St., Quezon City.
Ang layunin ng Seminar-Worksyap na ito ay ang mga sumusunod:
  1. malinang ang kahusayan ng mga delegado bilang guro ng wika, pelikula at panitikang Filipino, tagapagdalumat ng teoryang pagsusuri, tagasalin, iskolarling manunulat at malikhaing manunulat sa pamamagitan ng intensibong talakay at worksyap o pakitang-turo;
  2. mapataas ang antas ng pagkatuto ng Filipino gamit ang Pelikula sa mga paaralan at makapagbunga ng mga bagong saliksik, panunuri at literatura na magpapayabong sa larangan ng Filipino sa mga lokalidad at sa bansa, sa pangkalahatan; at
  3. mabigyan ng pagkilala ang mga pelikulang Filipino bilang mabisang alternatibong material sa pagtuturo sa pamamagitan ng Gawad Pasado 2012.
Ang bayad sa rehistrasyon ay Dalawang Libo at Walong Daang Piso (PhP2,800.00) para sa mga gastusin at pagkain.
Ang mga inaanyayahang dadalo ay ang mga guro sa elementarya, hayskul at kolehiyo mula sa iba’t ibang panig ng bansa, mga mag-aaral sa antas di-gradwado at gradwado na nagpapakadalubhasa sa wika o panitikang Filipino o anumang kaugnay na larangan partikular sa pelikulang Filipino.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa sumusunod:
Prof. Elma B. Cordero
Mobile Phone Blg.: 0927-793-868 1

Dr. S. Gonzales
Mobile Phone Blg.: 09 17-353-0594

Dr. Rosario C. De Ocera
Mobile Phone Blg.: 09 17-822-8606

Prof. Clara G. San Pedro
Mobile Phone Blg.: 0919-837-7125

PASADO Office
Telepono Blg.: (02) 323-1432.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ika-14 na Gawad Pasado at Pambansang Seminar-Worksyap sa Pagpapatibay at Pagpapalaganap ng Kadalubhasaan sa Pagtuturo Panitikang Filipino" was written by Mary under the Events category. It has been read 2342 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 14 February 2012.
Total comments : 0