Home » Articles » Philippine Government

Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) Pambansang Kumperensiya: Si Jose Rizal Bilang Manunulat

Ang Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ay magdaraos ng Pambansang Kumperensiya: Si Jose Rizal Bilang Manunulat sa Agosto 25-27, 2011 sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, Lungsod ng Quezon.
Ang pangunahing layunin ng pambansang kumperensiya ay makapaglatag ng mga tiyak at kritikal na parametro sa pagsusuri ng panitikan upang mabigyang-diin na ang punot' dulo ng pagkabayani ni Jose Rizal ay nasa kaniyang panulat. Sa gayon, higit na mabibigyang-katwiran ang kabuluhan ng kanyang mga teksto bilang mga kanonigong akda ng panitikan ng Pilipinas at ang bisa niya bilang pasimunong intelektuwal na nananalig at nakikisangkot sa pagsusulong ng makabansang pagdalumat sa pamamagitan ng pagsusulat.

Ang mga tagapangulo at mga miyembro ng kaguruan ng Kagawaran ng Filipino, Kagawaran ng Panitikan, Kagawaran ng Araling Panlipunan sa bawat paaralan, mga iskolar, estudyante ng kursong Rizal, panitikan, araling humanidades, kasaysayan, at mga kaugnay na disiplina sa lahat ng antas ng pag-aaral ay inaanyayahang dumalo sa kumperensiyang ito.

Ang mga dadalo ay magbabayad ng rehistrasyon na Tatlong Libong Piso (PhP3,000.00) para sa conference kit, sertipiko, pagkain at handawts. Ang 10% deskwento ay ibibigay para sa mga makapagpaparehistro at makapagbabayad bago ang Agosto 1, 2011.

Para sa karagdagang impormasyon at reserbasyon, makipag-ugnayan kay Bb. Eilene Narvaez o Bb. Eva Cadiz, Tagapangasiwa ng Kumperensiya, UMPIL, UP Sentro ng Wikang Filipino, 3/F School of Urban and Regional Planning Bldg., E. Jacinto St., UP Diliman, Lungsod ng Quezon, telepono blg. (02) 981, local 4583 o sa telefax blg. (02) 924-4747. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) Pambansang Kumperensiya: Si Jose Rizal Bilang Manunulat" was written by Mary under the Philippine Government category. It has been read 3899 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 05 May 2011.
Total comments : 1
Orxqfy [Entry]

atorvastatin 80mg brand <a href="https://lipiws.top/">order generic lipitor 20mg</a> buy atorvastatin pills for sale