Home » Articles » Schools / Universities

Pambansang Seminar ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman)

Ang Unibersidad ng Pilipinas Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman) ay magdaraos ng Pambansang Seminar na may temang Ang Wikang Filipino sa Edukas yong Tersyari: Mga Hamon ng Bagong Patakaran at Pro grama sa Edukasyon (K-12 Curriculum, MTB-MLE, at iba pa) sa Oktubre 17-19, 2013 sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.
Ang layunin ng Seminar ay ang mga sumusunod:
  1. matalakay ang kasalukuyang kalagayan na pag-uumpisahan ng mga pagbabago sa gamit ng wika kaugnay ng K to 12 Basic Education Curriculum at Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE);
  2. magkaroon ng panimulang pagtatasa ng karanasan sa unang taon ng implementasyon nito; at
  3. matukoy ang mga kagyat na mga suliranin kaugnay ng implementasyon ng bagong patakaran ng K to 12 Curriculum at MTB-MLE sa antas ng kolehiyo.
Ang tagapangulo at miyembro ng kaguruan mula sa elementarya, hay-iskul at kolehiyo sa Filipino ng bawat kolehiyo at unibersidad at kaguruan buhat sa iba’t ibang departamento o disiplina ay inaanyayahang dumalo sa seminar na ito.

Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ay naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.

Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring makipagugnayan kay:

Dr. Rosario Torres-Yu
Direktor ng Pambansang Seminar
3/Palapag, Paaralan ng Pagpaplanong Urban at Rehiyonal (SURP) 
E. Jacinto St., UP Campus, Diliman, Lungsod ng Quezon 
Telepono Blg.: (02) 981-8500 lokal 4583-585; (02) 426-5838 Telefax Blg.: (02) 924-4747
Website Address: http://sentrofilipino.upd.edu.ph
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Pambansang Seminar ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman)" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 1665 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 30 April 2013.
Total comments : 0