Home » Articles » Spiritual / Religion

Panalangin Para Sa Mga Guro

Ito ay kopya ng "Panalangin Para Sa Mga Guro" ng Department of Education (DepEd) (isinalin sa Tagalog version):

Tagapagkaloob ng Lahat ng Kaalaman at Guro ng mga guro
Bigyan po Ninyo ng pagkalinga ang aming mga guro

Biyayaan Ninyo sila ng kahandaang
Linangin ang aming murang isipan
At huwag magsawa kapag di makahabol ang turuan

Pagpalain nawa ang kanilang mga pusong
Nagdiriwang sa tuwing kami'y nagwawagi,
At nag-aalala sa tuwing kami'y nadadaig

Pagkalooban Ninyo sila ng mahinahong pagtitiyaga Sapagkat ang landas ng kaalaman ay hindi madali

Pagningasin Ninyo sa kanila ang maapoy na diwang
Nagpapaliyab sa kagustuhan naming matuto

Tulungan Ninyo silang makita ang Baling sa bawat mag-aaral
Wala sa marka ang halaga kundi sa pananalig nila

Ikintal Ninyo sa kanila ang walang pagkauhaw sa karunungan
Ang bagong kaalaman at karanasan ay di dapat katakutan

Turuan po Ninyo silang masiglang abutin ang alapaap
Kasinsigla at kasintayog ng sarili naming pangarap

Pagpalain po Ninyo ang mga gurong nauna sa amin
Ang nagawa nila ay napapakinabangan pa rin

Tanglawan po ng lyong mabuting halimbawa ang kaguruan

Upang makapagpatayo sila sa pamamagitan ng kanilang pangungusap

Upang makapagmahal sila sa pamamagitan ng kanilang isipan
Upang makapagbahagi sila sa pamamagitan ng kanilang puso

Siya nawa.
"Panalangin Para Sa Mga Guro" was written by under the Spiritual / Religion category. It has been read times and generated 0 comments. The article was created on and updated on June 13, 2016.
Rating: 1.0/1
Warning! When posting comments, strictly observe correct spelling. Avoid incomplete words such as TY (as Thank You), Pls as Please, gud as good, dpt as dapat, etc. You can comment in English or Tagalog. If you will not follow this simple instruction, your comment(s) will not be accepted or published.
Name *:
Email:
Code *:
Total comments: 0