Home » Questions » Science and Education [ Ask a new question ]

Ang Magandang Dulot nang ALS sa Akin Ang Alternative Learning System (ALS) ay naglalayong makapagbigay ng panibagong pag-asa sa mga nagnanai

Ang Magandang Dulot nang ALS sa Akin Ang Alternative Learning System (ALS) ay naglalayong makapagbigay ng panibagong pag-asa sa mga nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Wala itong pinipiling edad, kaya bata man o matanda ay malaya na muling mangarap na makapagtapos ng elementarya at hayskul. Lalo na iyong mga mahihirap na katulad ko na mas pinili munang maghanap-buhay kaysa mag-aral para tugunan ang kalam ng tiyan ng aming mga pamilya. Bata pa lang ako ay ramdam ko na ang kahirapan sa buhay ng aking pamilya, kaya naman sa murang edad ay natuto na akong magtrabaho. Siyam na taong gulang ako ng ako ay magtinda ng plastic, mag-labandera, at maging taga-igib ng tubig ng aming mga kapit-bahay. Kasabay nito ang aking pag-aaral, pero hindi pa rin sumasapat ang aking kinikita. Ito ang dahilan kung bakit ko napilitang huminto ng aking pag-aaral. Isinama ako ng aking tiyahin na lumuwas sa Maynila. Nagbabaka-sakaling may naghihintay na magandang kapalaran sa akin sa lungsod na ito. Nang ma

Asked by: Guest | Views: 803
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

Napakahirap ng iyong pinagdaanan ngunit napaka giting mo dahil hindi ka kailanman huminto at tumigil makipag sapalaran sa masaklap na buhay. Sumasaludo ako sa'yo bilang kapwa brainly mo. Dahil napaka ganda ng iyong hangarin para sa iyong pamilya at iyong sarili.