Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang ibig sabihin nga salitang pagsuporta

Ano ang ibig sabihin nga salitang pagsuporta

Asked by: Guest | Views: 47
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Answer:

Pagsuporta

Ang pagsuporta ay nangangahulugang pagbibigay ng tulong at gabay sa kapwa. Ito ay paraan ng pagmamalasakit sa ibang tao.

Mga Taong Maaring Pag-alayan ng Suporta
ang pamilya (mga magulang at kapatid)
mga kamag-anak
mga kaibigan
kaklase o kamag-aaral
espesyal na tao sa buhay
iba pang mahahalagang tao sa buhay

Ang pagkakaroon ng suporta sa kapwa ay isang katangian na dapat taglayin ng bawat isa. Ito ay hindi dapat pinipilit bagkus ito ay bukal sa loob o kusang loob. Maraming pwedeng gawin para maipakita ang ating suporta sa ating kapwa.  

Paraan ng Pagpapakita ng Suporta
Pagsama sa mga lugar na nais puntahan ng iyong kaibigan.
Pagbibigay ng buong tiwala sa kaibigan o sa ibang miyembro ng pamilya sa mga gusto niyang makamit at maabot tulad ng kanyang mga pangarap sa buhay.
Pagbibigay ng suporta sa paligsahan na nais salihan ng kaibigan.
Pagpapalakas ng loob kapag may pinagdaraanang problema ang kaibigan.
Paggalang sa mga gusto ng iyong mga magulang.
Pagrespeto sa mga desisyon ng mga magulang at kaibigan.
Pagpaparamdam na may masasandalan ang mga kaibigan o pamilya sa panahon ng pangangailangan.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:  

Kahalagahan ng pagtulong sa kapwa: brainly.ph/question/2078566 , brainly.ph/question/516149  

#LetsStudy"