Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang kahalagahan ng anyonglupa at tubigpls help ​

Ano ang kahalagahan ng anyonglupa at tubigpls help ​

Asked by: Guest | Views: 1121
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang anyong lupa at anyong tubig ay isa sa mga likas na yaman natin bawat isa sa kanila ay mahalaga sapagkat sila ang dahilan kung bakit tayong mga tao ay nabubuhay sa mundo.

Kahalagahan ng anyong Lupa

Ang anyong lupa ang nagsisilbing pangunahing tirahan ng mga tao at hayop.

Ang yamang lupa ay nagtataglay ng mga yamang mineral na pinagkukunan ng tao nang mga enerhiya,mga ibat-bang uri ng bato na ginagawang pahiyas o mga palamuti.

Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatanim at pastolan ng mga alagang hayop.

Ang ating lupain ang pinagtataniman ng sari saring halaman,tulad ng halamang gamot na pinagkukunan natin upang gawing medisina.

Kahalagahan ng anyong Tubig

Ang anyong tubig ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng ating mga kababayang mangingisda.

Dito nakukuha ang mga mamahaling isda at mga korales na maari nating ipagmalaki sa ibang bansa.

Pinagkakakitaan din ito ng ilan nating mga kababayan na may ari ng mga resort sa mga gilid ng dagat,lawa,ilog tuwing tag-init

Ang mga ibat-ibang shell na nakukuha sa pangpang nang dagat ay ginagawang mga palamuti sa katawan at tahanan.

Uri ng likas na yaman ng Pilipinas

Yamang mineral

Yamang Lupa

Yamang Tubig

Yamang Gubat

Mga halimbawa ng yamang Lupa

palay

prutas

mga halamang gamot

mais

mga halamang ugat

halamang gamot

Mga halimbawa ng yamang Tubig

mga isda

Korales

Pusit

alimango

taklobo

perlas

Mga halimbawa ng yamang Mineral

Ginto

copper

ruby

dyamante

marmol

Mga halimbawa ng yamang gubat

mga usa

tarsier

baboy damo

tamaraw

agila

Paano nga ba natin mapapangalagaan ang ating mga likas na yaman?

Huwag nating abusuhin ang inang kalikasan,magkaroon tayo ng disiplina sa ating mga sarili sa pagtatapon ng mga basura, huwag tayong magtapon sa mga ilog,dagat,sapa,at lawa upang huwag masira at malason ang mga ito. Tigilan natin ang walang habas na pagputol ng mga punong kahoy sa kagubatan, huwag nating hulihin at patayin ang mga hayop sa gubat.Huwag abusuhin ang pagkuha ng mga yamang mineral sa ating mga lupa kabundukan at dagat. alagaan natin ang ating kapaligiran para sa mga susunod pang henerasyon.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

kahalagahan ng likas na yaman brainly.ph/question/427430

sa buhay asyano ano ang kahalagahan ng likas na yaman  brainly.ph/question/341919

uri ng likas na yaman brainly.ph/question/356024"