Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga pilipino noong sinaunang panahon?

Ano ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga pilipino noong sinaunang panahon?

Asked by: Guest | Views: 1880
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ano ang katutubong paraan ng pagsulat na ginamit ng mga katutubong pilipino noong sinaunang panahon?

Ang katutubong paraan ng pagsulat na ginagamit ng mga Pilipino noong sinaunang panahon ay ang tinatawag na baybayin.

Ano ang baybayin? Ang baybayin ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino bago pa man nakarating sa ating bansa ang mga Espanyol. Ang baybayin ay may impluwensiyang Javanese at Indian na galing sa Sanskrit. Tinawag ito na baybayin dahil ito ay nakasulat nang nakahanay. Binubuo ito ng 17 na titik na may 3 na patinig at 14 na katinig. Maganda ring alamin na dahil ang Pilipinas ay pinapaligiran ng mga anyong tubig, ang mga baybayin ay nakasulat nang pa-kurba dahil ito ay nakabatay sa indayog ng alon. Karaniwang nakasulat ang mga baybayin sa piraso ng kawayan, dahon o nakaukit sa palayok.

Huwag tayong magpalito sa alibata. Ang alibata ay mula lamang sa teorya na ang baybayin ay mula sa Arabic script pero baybayin talaga ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng ating mga katutubo.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa baybayin:

Ano ang kahulugan ng baybayin: brainly.ph/question/569714

Mga halimbawa ng baybayin: brainly.ph/question/1602095  

Saan nanggaling ang baybaying alibata: brainly.ph/question/1897419"