Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang pangara ni andres bonifacio para sa inang bayan

Ano ang pangara ni andres bonifacio para sa inang bayan

Asked by: Guest | Views: 266
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ika-30 ng Nobyembre, muling ipinagdiwang ng sambayanang Pilipino ang ika-153 kaarawan ni Andrés Bonifacio y de Castro o mas kilala bilang Ama ng Rebolusyong Pilipino. Isang magiting na tagapagtanggol ng inang bayan hanggang sa kanyang kamatayan, nasaksihan ni Bonifacio ang sakit na bumabalot sa lipunang Pilipino – ang sakit na naipasa-pasa na hanggang sa kasalukuyang henerasyon.

May pagkakatulad sa buhay ni Bonifacio ang naging kapalaran ng bansang Pilipinas. Kahit anong pilit na pakikipaglaban ni Bonifacio kasama ang kanyang organisasyon na Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan, sa huli ay mismong ang organisasyong ito na kanyang nilikha ang pumigil sa kanyang pinapangarap na masilayan ang kasarinlan. Ano man ang tunay na naganap sa kanyang pagkamatay, mananatiling nakabaon sa tinubuang lupaing ito ang katotohanan.

Ngayon, kung nabubuhay kaya si Bonifacio, ano na lamang ang kanyang reaksyon sa mga kaganapan sa lipunang iniwan ng kanilang henerasyon? Ang imahen at rebulto kayang makikita sa Caloocan at Maynila ang siya ring reaksyon ni Bonifacio?

Nakibaka nga si Bonifacio laban sa mga mananakop na siyang may hawak ng pamahalaan noon, ngunit hindi niya nabatid na ang kanyang unang kaaway ang kanyang kalahi. Maaaring pumasok sa kanyang isipan na posibleng may kumalaban sa kanya makuha lamang ang kapangyarihang pamunuan ang Katipunan, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa sa lahing kanyang tinataglay at ipinaglalaban. Hanggang sa kanyang kamatayan, nanatili ang pag-asa ni Bonifacio sa kanyang iiwang bayan na muling mabubuo ang lahing Pilipino.

At ito na nga ang nangyari – hiwa-hiwalay, bitak-bitak, at halos magkasiraan na sa magkakaibang mga ideolohiya, paniniwala, at paninindigan hinggil sa iba’t ibang mga bagay at usapin. Walang patutunguhan ang ganitong sitwasyon ng bansa kung iisipin, ngunit hindi pa nga talaga handa ang bayang ito sa pangakong tinataglay ng kasarinlan at kalayaan."