Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ano ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan?

Ano ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan?

Asked by: Guest | Views: 945
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Political Dynasty

Ang salitang “dynasty” o dinastiya nangangahulugan ng pang-ekonomiyang kapangyarihan na namamana sa loob lamang ng isang pamilya sa panahon ng pyudalismo. Successor ang tawag sa susunod na linya ng pamumuno sa imperyo. Hindi nangangailangan ng eleksyon ang political dynasty dahil naka base lamang ito sa blood line na nagtitiyak sa kapangyarihan ng susunod na mamumuno.

Mga Sanhi ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan
Ang mga kandidato na nasa kapangyarihan na ninanais pa rin na manatili  sa posisyon o kapangyarihan nito ay nanghihikayat ng kapamilya para makiisa sa politika ang sanhi ng pagkakaroon ng political dynasty.
Isa pa rito ay ang paniniwala ng mga botante, na kung saan kapag maganda ang ginawa ng isang miyembro ay maari ring maganda ang gagawin ng susunod na mamamahala na manggagaling sa pamilyang iyon.
Mayroon mang batas na nagbabawal ng political dynasty ngunit hindi nito mapipigilan ang isang Pilipino na tumakbo at maging parte ng politika sapagkat  ito ay kanyang karapatan.  

Mga epekto ng Political Dynasty sa malinis at matatag na pamahalaan
Hindi mahirap ang pagpasa at paglunsad ng mga proyekto dahil komunikasyon sa pagitan ng kaanak ay hindi mahirap.
Ang political records ng naunang miyembro ng pamilya ang nagiging batayan upang pagbutihan ng susunod na miyembro ang pagiging politiko."