Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Anong lalabas na kulay kung pinagsama ang blue at red

Anong lalabas na kulay kung pinagsama ang blue at red

Asked by: Guest | Views: 30
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Kapag pinaghalo ang kulay pula at kulay asul makakabuo ka ng kulay lila o violet.

Ang kulay asul at kulay pula ay tinatawag na pangunahing kulay dahil nagagamit ang mga ito para makabuo pa ng ibang kulay. Kapag pinaghalo naman ang kulay ng pula at lila makakabuo ka ng pulang lila o red violet. Maaari ding paghaluhin ang kulay asul at lila para makabuo naman ng asul na lila o blue violet.

Narito pa ang mga ibang kulay na maaaring pagsamahin:

dilaw at berde

asul at berde

dilaw at kahel

pula-kahel

 

Ano nga ba ang kulay?

Ang kulay ay isa sa katangian ng isang bagay na nakikita ng mata. Ito ay maaaring matingkad o mapusyaw.  

Mga karaniwang kulay

• pula

• kahel

• dilaw

• luntian

• bughaw

• indigo

• lila

Iba pang mga kulay

• itim

• puti

• ginto

• pilak

• tanso

• abo

• kayumanggi

• rosas

• kalawang

• kastanyo

• limbaon

Mga Uri ng Kulay

1. Pangunahing Kulay: pula, dilaw at bughaw

Nagmumula sa mga ito ang ibang mga kulay, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa sa kanila o ng mismong tatlong ito.

2. Magkakatugma, magkakatambal, magkakaparehas o magkakaternong kulay(complementary color): pula-Lunti, lila-dilaw at bughaw-kahel

ang mga kulay na ito ay hindi naglalaban bagkus ay nagtutulungan - lalo na kung magkakatabi - ang mga ito. Kapwa pareho ang lakas o dating nila kapag natingnan ng mga mata.

Kulay bilang mga sagisag:

1. Pula- dugo at apoy

2. Asul- kalangitan

3. Berde- dahon at damo

4. Lila- maharlika

5. Itim- kamatayan at kalungkutan

6. Puti- kapurian at kagalakan

May mga bansa na iba ang pag-uugnay nila sa mga kulay na ito. May mga bansang naniniwalang ang puti ay simbolo ng kapighatian.Sa mga Tsino, ang pula ay hudyat ng pagdiriwang at kagalakan at para naman sa mga mamamayan ng Indiya ang pula ay tanda ng kabanalan.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Anu ano ang kahulugan ng bawat kulay: brainly.ph/question/185526

#LetsStudy"