Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Anong pagbabagong pangwika ang idinulot ng pananakop ng mga hapones

Anong pagbabagong pangwika ang idinulot ng pananakop ng mga hapones

Asked by: Guest | Views: 22
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang pagbabagong pangwika na idinulot ng pananakop ng mga Hapones ay ang mga sumusunod na nasa ibaba:

Inutos ng mga dayuhang Hapones na gamitin ng mga Pilipino ang katutubong wika, partikular na ang Wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga akda. Dahil dito, ang pag-usbong ng Wikang Tagalog ay isa sa mga epekto ng pananakop ng Hapones sa Pilipinas.  
Inutos din ng mga Hapones na gawing opisyal na wika ang Wikang Tagalog, pati na rin ang Wikang Hapones.
Itinuro ang Wikang Hapones sa lahat ng mga paaralan ngunit binigyang diin ang paggamit ng Wikang Tagalog. Iyan ang impluwensya ng Hapon sa Wikang Filipino.  
Ipinagbawal ng mga Hapones na gamitin ng mga Pilipino ang Wikang Ingles
Noong panahon ng mga Hapones, ipinagbawal din ang paggamit ng mga aklat at papeles na may kahit na anong paksa tungkol sa bansang Amerika at tungkol sa mga Amerikano.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa pananakop ng mga Hapon sa bansang Pilipinas:

Ano ang gampanin ng mga babae at lalaki noong panahon ng mga Hapon: brainly.ph/question/1039111

Ano ang tungkulin ng mga lalaki at babae noong panahon ng Hapon: brainly.ph/question/1038342

Ano ang mga mabubuting epekto ng mga Hapon sa Pilipinas: brainly.ph/question/1001656"