Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Anu ang mga characteristics ng mga gifted children???

Anu ang mga characteristics ng mga gifted children???

Asked by: Guest | Views: 23
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Lagi nating naririnig na may mga tao talaga na ipinanganak bilang ""gifted child"" dahil sa kanilang hindi pangkaraniwang mga kakayahan simula pa lamang ng pagkabata. Ano nga ba ang mga katangian ng mga batang tinatawag na ""gifted children""? Narito ang ilan sa mga katangian ng mga ""gifted children"":

   Meron silang kakaibang pagkalisto kahit na sanggol pa lamang
   Kaya nilang maipabatid nang maayos ang gusto nilang sabihin kahit sa murang edad lamang
   Meron silang matalas na memorya
   Mabilis silang matuto
   Malawak ang kanilang bokabularyo para sa kanyang edad
   Nawiwili sila sa pagsagot ng mga puzzle at mga numero
   Meron silang pakialam sa mga sosyal at pulitikal na mga isyu kahit sa murang edad
   Meron silang ""sense of justice"" kahit bata pa lamang
   Kaya nilang matutong mag-isa
   Magaling silang magtanong upang makakuha ng mga detalye
   Mahaba ang kanilang pokus at ""attention span""
   interesado sila sa maraming bagay
   Malawak ang kanilang imahinasyon
   Nais nilang ayusin ang mga bagay-bagay
   Meron silang ""sense of humor""

Ilan lamang iyan sa mga katangian ng mga batang tinatawag na ""gifted children"". Walang duda na sila ay mga taong ""extraordinary"" ika nga.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:

Ano ang mga katangian ng mga extraordinary na tao: brainly.ph/question/485351

Ikaw ba ay maaari ring maging extraordinary na tao: brainly.ph/question/1203214

Ano nga ba ang kahulugan ng linyang ""Be extraordinary in ordinary things"": brainly.ph/question/592375"