Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Anu-anong mga salita ang maiuugnay sa salitang oras

Anu-anong mga salita ang maiuugnay sa salitang oras

Asked by: Guest | Views: 31
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"May kanya-kanya tayong depenisyon ng salitang oras. Bawat isa sa atin ay may pinahahalagang oras. Ang iba ay naghahanap ng oras. Samantalang ang iba ay pumapatay ng oras habang ang ilan ay naghahabol naman ng oras. Anu-anong salita ang maiuugnay sa salitang oras?

Ang oras ay salitang maiuugnay sa tungkulin. Lahat tayo ay may kanya-kanyang tungkulin na dapat tapusin o masakatuparan. Maaring ito ay tungkulin sa iyong pag-aaral. Tungkulin sa iyong trabaho. Tungkulin sa iyong sarili o ang iyong tungkulin sa pamilya. Kakambal na atang maituturing ng salitang oras ang tungkulin. Dahil minsan limitado lamang ang ating pagkakataon upang magawa ng tama at maayos ang isang tungkulin na nakaatasa sa atin. Maari rin ang salitang maiuugnay sa pamamahala ang salitang oras. Mahalaga ang tamang paghahati-hati ng oras upang maging maayos at wasto ang pamamahala.

Tungkulin nating gamitin ng maayos tama ang ating mga oras. Dahil pakatandaan natin na ito ay limitado lamang. At hindi natin hawak ang takbo, bagal at bilis ng ating oras."