Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Bakit mahalaga ang pag-aaral ng gramatika sa wikang filipino

Bakit mahalaga ang pag-aaral ng gramatika sa wikang filipino

Asked by: Guest | Views: 211
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Answer: Ang mga pagkakaiba ng Pilipino, Filipino, at Tagalog ay madalas nakakalimutan ng mga tao sa Pilipinas. Sa katunayan, maraming Pilipino ang hindi nakaka-alam ng mga pagkakaiba ng mga salitang ito dahil sa kaisipang ang wikang Filipino ay natural nang natutunan ng mga Pilipino kaya hindi nila, o natin, ito gaanong binibigyang halaga. Sa aking paningin, mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino sapagkat tungkulin ng isang Pilipino na malaman at magamit ng husto  sa maayos na paraan ang ating wika upang lubos na maintindihan ang at kasaysayan at kultura.  

Ang Filipino, na ating Pambansang wika, ay marami nang pinag-daanan sa ating kasaysayan. Ilang konstitusyon na rin ang nabago upang marating ang estado nito ngayon sa Pilipinas. Mahalaga ang ating wikang pambansa na batay sa pang-rehiyong wika na Tagalog dahil sa ang Filipino ay ang ating pagkakakilanlan. Dapat itong malaman nang mga Pilipino upang ating pagyamanin, bigyang importansya, at pagbuhayin ang ating nakagisnang kultura.

Hindi naman sa sinasabi nating masama ang madalas na pag-sasalita ng wikang ingles, sa katunayan, makabubuti pa ito sa ating pamumuhay. Ang ingles ay an gating Universal language at isa sa dalawang opisyal na lengwahe sa ating bansa, at nagagagamit natin sa pagbabasa ng libro, sa eskwela, sa Internet. Kahit saan tayo mag-punta e, kakailanganin natin ito. Ang masamang ugali na na may relasyon sa wikang ingles ay ang lubos na pagkakahumaling ng mga Pilipino rito. Sa aking pananaw at base na rin sa mga artikulong nabasa ko, mas makakayaman ng ating kultura ang malugod na pagtangkilik sa sarili nating wika bago ang sa iba.

(Source: sostaybadass)

Explanation: hope this helps po"