Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

"Bakit maituturing na hamon sa paggawa ang sumusunod; A. Mababang sahod B. Kawalan ng siguridad C. Job mismatched D. Kontractualisasyon E.

"Bakit maituturing na hamon sa paggawa ang sumusunod; A. Mababang sahod B. Kawalan ng siguridad C. Job mismatched D. Kontractualisasyon E. Mura at flexible labor F. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga dayuhang mamomohunan"

Asked by: Guest | Views: 23
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang mga sumusunod ay maituturing na hamon sa paggawa:

A. Mababang Sahod - Itinuturing itong hamon sa paggawa  dahil ang bawat manggagawa ay may kani-kaniyang pangangailangan. Ang gastusin sa pang-araw-araw ay hindi lamang para sa sarili, kalimitan ito ay binabahagi nila sa pamilya o mga obligasyon gaya ng bayarin sa renta o upa ng bahay, kuryente, bayad sa tubig, matrikula ng mga anak at iba pa. Isang malaking hamon ito kung papaano nila pagkakasyahin ang ito sa mga gastusin.

B. Kawalan ng siguridad - May mga trabaho na higit na nangangailangan ng siguridad ngunit hindi ito napatutupad sapagkat walang sapat na batas o panukala ukol dito. Halimbawa ang mga manggawa sa mga gusali na nagkukumpuni sa matataas na bahagi nito.

C. Job mismatched - Marami ang nakapagtapos ng kursong Nurse ngunit marami sa kanila ay di mo makikita sa mga ospital ngunit sa sa mga BPO o call centers. Nagiging hamon ito sapagkat sa buong taon ng kanilang pag-aaral iba ang mga skills na kanilang ginamit at natutunan kaysa sa skills na dapat meron ang isa talagang nagtatrabaho sa mga call centers.

D. Kontraktuwalisasyon - Nagiging hamon ito sapagkat tumatatak sa kanilang isip na ang trabahong kanilang ginagampanan ay pansamantala lamang. Pagktapos ng isang kontrata, sila ay maghahanap nanaman ng ibang kumpanya. Hindi naman agad-agad matatanggap sa trabaho.

E. Mura at flexible labor - Ang kumpanya ang may kakayanan na magpa-alis o magpatigil ng isang proyekto na kabilang ang sa siang manggagawa. Bukod dito sila ang may kakayanan na magpresyo ng kaya nilang ipasweldo.

F. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga dayuhang namumuhunan -  Dahil dito naapektuhan din ang mga mangggagawa. Kaya minsan nagkakaron ng mass hiring sapagkat nangangailangan ng mga manggagawa ngunit bigla din naman magkakaron ng tanggalan ng di mo inaasahan."