Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Buod ng akdang pyramus at thisbe sa tagalog

Buod ng akdang pyramus at thisbe sa tagalog

Asked by: Guest | Views: 33
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Pyramus and Thisbe

Ni Publius Ovidius Naso also known as  Ovid

Isinalin sa Filipino ni Rowena Cruz Fuertes

Sa isang bayan ng Babylon may magkasintahang Pyramus at Thisbe ang naninirahan doon, simula pagkabata sila ay magkapitbahay at magkalaro. At ng sila nga ay lumaki natutunan nilang mahalin ang isat-isa sa romantikong paraan. Ngunit ang kanilang mga pamilya ay mahigpit na magkaaway kung kaya ang kanilang pag-iibigan ay hindi pinahintulutan ng mga ito. Kung kaya ang kanilang relasyon ay lihim sa kani-kanilang magulang. Ang dalawa ay may lihim na tagpuan, ito ay ang pader na nakapagitan sa kani-kanilang mga bahay.

Isang araw ang magkasintahan ay lihim na nag-usap muli kanilang pinag-usapan ang kanilang sitwasyon. Ang pag-ayaw ng kanilang mga magulang sa kanilang relasyon ay lubos na nagpapahirap sa kanilang damdamin kung kaya ang dalawa ay nakabuo ng isang desisyon. Sila ay tatakas upang magkasama, ang kanilang usapan ay magkikita sila ng sementeryo sa ilalim ng puno ng Mulberry.

Sa gabi ng pagkikita nauunang nakarating doon si Thisbe at kanyang inantay ang pagdating ng kanyang mahal na si Pyramus.  

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon mayroong dumating na mabangis na babaeng Leon na tigmak pa ng dugo mula sa pagpatay.  

Sa sobrang takot ni Thisbe siya ay mabilis na tumakbo patungo sa pinakamalapit na kweba ngunit nadaglit ng babaeng Leon ang kanyang belo, dagli itong pinagpupunit ng leon, natigmak ng dugo ang kanyang belo.

Nang makarating si Pyramus sa kanilang tagpuan nakita nito ang belo na puno ng dugo. Hinanap nito ang kasintahan ngunit hidi niya ito matagpuan. Napuno ng kalungkutan si Pyramus inisip niya ang kanyang kasintahan ay patay na. Kung kaya nakabuo ito ng desiyon na magpatiwakal na lamang sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili. Kanya nga itong ginawa at mga prutas ng Mulberry ay napuno ng kanyang dugo kung kaya ang prutas ay nag iba ang kulay.

Saamantala ng mahimasmasan naman si Thisbe sa kanyang sinapit dagli siyang lumabas sa kwebang kanyang pinagtataguan upang bumalik sa tagpuan nila ng kanyang kasintahang si Pyramus, ngunit nakita niya itong punong-puno ng dugo at wala ng buhay. Napuno ng kalungkutan si Thisbe sa mga pangyayaring iyon. Pinili din nito na sumunod sa kanintahan nitong si Pyramus. Kanya nga isinagawa ang pagpapatiwakal. Kanyang hiniling sa Diyos na ang kanilang mga labi ay pagsamahin at ang kanilang tagpuan sa puno ng Mulberry ay magkaroon ng bungang maitim kapag ito ay hinog na upang paggunita sa kanilang wagas na pagmamahalan.  

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

brainly.ph/question/1186855

brainly.ph/question/987044

brainly.ph/question/987088"