Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Dula sa buhay ni patria amanda

Dula sa buhay ni patria amanda

Asked by: Guest | Views: 27
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Dula sa buhay ni Patria Amanda  

Ang buhay ni Patria Amanda ay nilikha noong 1916, ito ay isang sarsarswelang orihinal na kinatha ni Amando Navarette Osorio na sinalin naman sa Filipino ni Joey A. Arrogante.  

Nagumpisa ang kwento sa isang gabing madilim nasa lungsod malapit sa Maynila habang ang orkestra ay tumutugtog si Patria Amanda na nagbabasa ng pahayagan ay siyang nagaalala sa kanyang ama na sinundo ang kanyang kapatid na nag-aaral sa Ateneo dahil ang Katipunan noon ay umalsa laban sa pamahalaan sa Balintawak at si Bonifacio ay sumigaw ng kalayaan. Sa kabilang banda, sila'y nagtatalo ng kaniyang kasintahang si Felipe Libre na lilisan upang mamundok upang ipaglaban ang layunin at makiisa sa himagsikan.  

Si Felipe ay lumisan ngunit siya ay naligaw sa paghahanap ng mga naghihimagsik ngunit sa tulong ni Damon natagpuan nila ito. Habang kausap ni Felipe ang Heneral ay biglang dumating si Damon para sabihin na bobombahin ang kanilang bayan. Agad hinanap ni Felipe si Patria na papunta rin naman ng bundok.  

Si Patria ay sumama rin sa pakikidigma, siya ay nag salawal, kamiseta, sombrero at kumuha ng baril. Habang nasa labanan, ng malaman ng Heneral na si Patria ay nakikidigma ay agad itong pinapuntahan kay Damon.  

Si Damon ay bumalik sa Heneral at kay Felipe hatid ang mensaheng patay na si Patria. Tinanong ng Heneral kung nakita nito ang bangkay at kung nakita pang buhay ngunit si Damon ay nanghula lamang na si Patria ay patay na kaya ito ulit ay pinahanap. Pagdating ni Patria sa Heneral, agad namang nagbiro si Damon na patay na si Felipe. Hinimatay si Patria, agad naman lumapit si Felipe kay Patria para gisingin. Natapos ang kwento ng patugtugin ng Heneral ang ""Awit sa Yutang Natauhan.""  

Narito ilang links na may kaugnayan sa iyong tanong:  

brainly.ph/question/189674?source=aid1023369
brainly.ph/question/845291
brainly.ph/question/439410"