Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Ginawang patag ng globalisasyon ang mundo ayon kay?

Ginawang patag ng globalisasyon ang mundo ayon kay?

Asked by: Guest | Views: 25
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ayon kay Thomas L. Friedman, ginawang patag ng globalisasyon ang mundo. Siya ay isang manunulat na umagaw sa atensyon ng kanyang mga tagabasa sa pamamagitan ng pagsasabi na ginawang patag ng konsepto ng globalisasyon ang mundo. Ayon sa kanya, ang epekto ng globalisasyon ay ang pagliit ng mundo mula sa malaki hanggang sa katamtaman ang laki hanggang sa maliit hanggang sa patag.

Naniniwala si Thomas L. Friedman na ang mundo ay patag dahil naging mas ""competitive"" ang larangan ng industriya at lumebel dito ang mga papausbong na merkado (emerging markets). Bukod pa rito, ang mga indibidwal na negosyante at mga kumpanya ay naging bahagi ng mas malaki at global na ""supply chain"" na tumatawid sa mga karagatan at iba't ibang kontinente. Iyan ang kahulugan ng globalisasyon para kay Thomas L. Friedman. Naniniwala si Thomas L. Friedman na ang mga pangyayaring ito ay naging posible dahil sa pagbagsak ng komunismo, ang ""dot-com bubble"" at ang pag-outsource ng mga inhinyero na pinaniwalaang makakaayos ng problemang Y2K.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa konsepto ng globalisasyon:

Ano ba ang kahulugan ng globalisasyon: brainly.ph/question/518853

Ano ba ang limang perspektibo ng globalisasyon: brainly.ph/question/879936

Ano ba ang halimbawa ng globalisasyon: brainly.ph/question/829226"