Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Halamang ginagawang damit

Halamang ginagawang damit

Asked by: Guest | Views: 50
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang isang halimbawa ng halamang ginagawang damit ay ang abaka. Ang abaka ay isang halaman na may berdeng dahon at ito ay napagkukunan ng himaymay. Ang dahon nito ay kawangis ng dahon ng saging ngunit ang kaibahan ng abaka ay ang mga ilang katangian nito. Halimbawa na lamang ay ang dulo ng dahon nito. Ang dulo ng dahon ng abaka ay mas may tulis kumpara sa saging. Bukod dito, hindi pantay ang ibabang bahagi ng dahon ng abaka, at makintab at madulas ang magkabilang bahagi ng dahon ng abaka.

Marami ang maaaring mapakinabangan mula sa abaka sa Pilipinas. Ang mga himaymay o hibla ng katawan nito ay hinahabi ng mga Pilipino upang maging tela na ginagamit sa paggawa ng mga damit. Bukod dito, ang iba pang mga produktong gawa sa abaka ay kurtina, lubid, basket, at iba pa. Iyan ang ilan sa mga gamit na gawa sa abaka.

Ang abaka ay parte na ng kultura ng Pilipinas. Ito ay isa na sa mga sagisag ng kultura ng ating bansa.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:

Anong ibig sabihin ng abaka: brainly.ph/question/216929

Iba pang mga impormasyon tungkol sa halamang abaka: brainly.ph/question/1385134

Anu-ano ang mga produkto sa Pilipinas: brainly.ph/question/377852"