Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Halimbawa ng kasabihan tungkol sa pagiging magalang

Halimbawa ng kasabihan tungkol sa pagiging magalang

Asked by: Guest | Views: 38
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang pagiging magalang ay isang katangian ng pinapahalagahan at ginagawa pa rin ng karamihan sa mga Pilipino ngayon. Ang ilan sa mga kasabihan o pangaral na may kinalaman sa paggalang ay:

(1) “Respect begets respect.” – Ang Ingles na kasabihang ito ay nangangahulugang gagalangin ka lang ng mga tao kung sila rin ay ginagalang mo.

(2) “Makinig at sundin ang mga nakakatanda. Papunta ka pa lang, sila’y pabalik na.” – Karaniwang naririnig ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino kung saan tinutukoy nito ang pakikinig at pagsusunod sa mga matatanda ay isang paraan ng pagrespeto sa kanila. Dapat din tayo making at sundin sila dahil mas may kaalaman sila sa mga bagay-bagay sa buhay dahil mas matagal na silang nabuhay kesa sa kabataan at naranasan o nasaksihan nila ang mga ito.

(3) “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.” – isang kasabihan na nagpapahiwatig na kahit hindi man kabutihan ang ipinakita at isinukli sa iyo ng ibang tao, kailangan ka pa rin maging magalang at mabuti sa kanila para sa kapayapaan at hindi magkaroon pa ng malaking gulo.

Iba pang mga kasabihan:

brainly.ph/question/679188

brainly.ph/question/1480626

brainly.ph/question/998525"