Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Mabubuting aspekto panlabas na migrasyon ng mga pilipino

Mabubuting aspekto panlabas na migrasyon ng mga pilipino

Asked by: Guest | Views: 32
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Maraming mga guro, nars, performers, construction workers, kasambahay at mga propesyonal ang dumayo sa ibang bansa upang magtrabaho. Sila ang tinatawag nating mga OFW o Overseas Filipino Workers. Ano nga ba ang mabuting epekto sa ating bansa ng ating mga dakilang OFW? Narito ang mabuting aspekto o epekto ng migrasyong panlabas ng mga Pilipino.

Isang mabuting epekto ng migrasyong panlabas sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng mga Pilipino na pagkakataon upang kumita ng mas malaki kaysa sa Pilipinas dahil alam naman natin na mas mababa ang pasahod sa Pilipinas kumpara sa iba't ibang mga bansa. Bukod pa rito, ang epekto ng migrasyon sa ekonomiya ay pinapalaki ng mga OFW ang GNP o Gross National Product ng Pilipinas. Sa katunayan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nakakatulong ang mga ""remittances"" ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa. Ang isa pang epekto ng migrasyon sa panlipunan ay napapaunlad ng mga OFW ang kabuhayan ng kanilang pamilya sa Pilipinas.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa migrasyon:

Ano nga ba ang kahulugan ng migrasyon: brainly.ph/question/38137

Ano nga ba ang ibig sabihin ng migrasyon: brainly.ph/question/433986

Ano nga ba ang epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino: brainly.ph/question/995068"