Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Mapanuring paggamit ng gadgets tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa

Mapanuring paggamit ng gadgets tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa

Asked by: Guest | Views: 22
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Napakalaking papel ang ginagampanan ng gadgets sa pang-araw-araw na buhay ng makabagong tao. Napakarami nang nagagawa ng computers ngayon, at halos lahat yata ng gawain ay mayroon nang paglahok ng smartphones.

Nakatutuwang isipin na napapadali at napapagaan ang maraming mga gawin ng tao dahil sa mataas na antas ng mga teknolohiyang ito. Lalong lumiliit ang mundo; hindi na mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay. Nakatutuwa ring asahan kung ano pang mga pag-usad sa teknolohiya ang madidiskubre sa darating pang mga taon.

Ngunit sa kabila ng maraming kabutihang naidudulot ng gadgets sa ating buhay, kapag hindi sila ginamit sa tama, nagiging dahilan din ang paggamit nito upang maging magkalayo ang mga tao. May mga pag-aaral ding nagsasabi na nagiging sanhi ang mga ito ng pagbabago sa pag-uugali ng mga tao at ilang mga sakit din.

Kaya naman mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets. Sa ganitong paraan, napapakinabangan natin ang magagandang naidudulot ng gadgets. Nagiging daluyan din ito ng maganda at mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa, sa halip na ito ay maging dahilan ng pagkakawatak-watak.

Importanteng hakbang dito ay ang palagiang pag-tsek sa sarili: Nasa tama pa ba ang paggamit ko ng gadgets? Nakatutulong pa ba ito sa mga gawain at relasyon ko? Nalilinang pa ba ang pagkatao ko?

Sundan ang links na sumusunod para sa iba pang pagtingin hinggil sa paksang ito:

brainly.ph/question/1899918

brainly.ph/question/1904340

brainly.ph/question/1896901"