Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Paano nabago ng earth and life science ang buhay ng tao?

Paano nabago ng earth and life science ang buhay ng tao?

Asked by: Guest | Views: 51
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang earth and life science ay patungkol sa lahat ng aspeto ng buhay sa mundo pati narin ang pag-aaral tungkol sa salik na bumubuo ng mundo tulad ng geology, minerology, ecology, meteorology at iba pa. Ang sangay ng siyensya na ito ay nakatulong sa pagbabago ng buhay ng tao.  

Namulat ang mga tao sa mga paksa tulad ng teorya tungkol sa pinagmulan ng tao at pati narin sa ebolusyon ng tao  dahil pinag-aaralan dito ang tungkol sa buhay, at ang tao bilang ang pinakamataas na uri ng nilalang dahil sa kakayahang mag-isip, magsalita at makipagkapwa tao. Ang pag-aaral ni Charles Darwin na nagpapaliwanag kung saan nagmula ang tao ay isa sa mga ebidensya na earth and life science ay nakapagbago ng buhay ng tao.  

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa ebolusyon ng tao bisitahin lamang ang link na ito: brainly.ph/question/1788784

Ang mga inobasyon sa agrikultura at maging sa teknolohiya ay dahil din sa pag-aaral ng earth science. Naipapaliwanag dito kung bakit mas maraming gulay ang umuusbong mas malamig na lugar sa Pilipinas. Pati narin ang kaalaman tungkol sa lindol at marami pang iba. Napakalawak ng pag-aaral tungkol sa earth and life science at walang duda na nakapag-ambag ito sa pagbabago ng buhay ng tao.

Para sa iba pang link tungkol sa agrikultura at lindol bisitahin lamang mga links na ito:

brainly.ph/question/614311

brainly.ph/question/944657"