Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Paano naging nagative effect ng k to 12 ang mental illness?

Paano naging nagative effect ng k to 12 ang mental illness?

Asked by: Guest | Views: 30
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

Sa totoo lang, hindi lang naman exclusive sa K to 12 ang problema sa mental illness. Kahit anong grade level pa, mapa-college o elementary nakakaranas ng mental illnesses. Sa tingin ko naging negative effect ang mental illnesses sa K to 12 dahil maraming studyante ang nahihirapan sa pagpili ng strand, lalo na yung mga undecided. Wala namang madali, pero to be honest mahirap yung program ng K to 12 since bago lang siya dito sa Pilipinas at lahat ng batch na papasok sa K to 12 kailangan mag adjust sa bagong sistema. Madaming nakakaranas ng depression dahil sa studies, regardless of their grade level. Sobrang sinusubsob tayo ng mga teacher sa activities pero ang dami rin namang mga tamad magturo, binabayaran pero hindi manlang maituro nang maayos ang kanilang mga asignatura. Sinong hindi masisiraan ng bait? Patong-patong na p-tasks, quizzes, activities, exams, ang dami pang guro na hindi manlang nagbibigay ng konsiderasyon, hindi lang naman pwedeng buong buhay natin ilalaan sa p-tasks, etc. may buhay pa tayo sa labas ng paaralan, may ginagampanan pa tayong role sa pamilya. May mga gawain pa sa bahay, nagpapatong-patong na hanggang sa mapagod ka nalang, hanggang sa mawalan ka na ng gana sa lahat, yun yung maaaring pinag-uugatan ng mental illnesses sa K to 12 at kahit ano pang grade level dahil sa nakikita ko sa social media, madaming kabataan ang nagrereklamo sa mga ganyang bagay. Madami rin namang tatamad-tamad lang na inuuna ang reklamo kaysa sa gawa.