Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Proyekto ng gawad kalinga para sa mahihirap

Proyekto ng gawad kalinga para sa mahihirap

Asked by: Guest | Views: 25
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Ang ilan sa mga proyekto ng Gawad Kalinga para sa mahihirap ay ang mga sumusunod:

Isa rito ay ang pagpapatayo ng mga bahay para sa mga mahihirap na pamilya. Ang pangunahing programa ng Gawad Kalinga ay ang pagpapagaan ng kahirapan na nakapokus sa pagtatayo ng mga bahay para sa mga mahihirap. Ang Gawad Kalinga ay nagsimula sa target na 700,000 na bahay sa loob ng pitong taon, at bahay para sa limang milyong nangangailangang pamilya pagdating ng 2024.
Bukod dito, ang Gawad Kalinga ay pumasok na rin sa ""social entrepreneurship"" at ""social innovation"" sa mga komyunidad ng Gawad Kalinga. Dahil dito, ito ay nag-anyaya ng libu-libong Pilipino at dayuhang volunteers upang maging parte ng pagtulong sa bayan at sa mga nangangailangang komunidad.
Ang isa pa sa mga naisakatuparan proyekto ng Gawad Kalinga ay ang Enchanted Farm sa Angat, Bulacan. Ito ay isang malaking lupang pang-agrikultura at ito ay naitayo noong 2010. Ito ay tinaguriang ""farm village university"". Ito ay isang paraan para makapaghubog ng mga ""social entrepreneurs"" kung saan tinuturuan ng Gawad Kalinga ang komunidad ng kaalaman tungkol sa agrikultura, teknolohiya para sa agrikultura, pinansya at marketing sa pamamagitan ng mga estudyante mula sa Pilipinas at Europa. Ang Enchanted Farm ang isa sa mga ""Gawad Kalinga accomplishments"" hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.
Sa kabuuan, ang Gawad Kalinga ay may layunin upang makatulong sa pamamagitan ng mga sumusunod: Child and Youth Development, Community Building, Environment, Food Sufficiency, Health, and Infrastructure. Diyan nakatuhog ang tinatawag na mga ""Gawad Kalinga programs and services"".

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:

brainly.ph/question/799734

brainly.ph/question/1027341

brainly.ph/question/997831"