Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Sanaysay tungkol sa inflation

Sanaysay tungkol sa inflation

Asked by: Guest | Views: 29
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Narito ang ilang ideya at halimbawa ng sanaysay tungkol sa inflation. Sana ay makatulong ito upang makagawa ka rin ng iyong sarili at orihinal na sanaysay tungkol sa inflation.

Kamakailan lamang ay naramdaman ng bawat isa ang epekto ng inflation sa ating bansa. Ang inflation na ito ay bunsod ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa ating mga pamilihan. Ang ilan sa mga rason ng pagtaas ng presyo ng bilihin ay dahil sa TRAIN Law, pananalasa ng mga bagyo at pagtaas ng presyo ng langis.

Bilang mga ordinaryong mamamayan, mahirap para sa atin ang maranasan ang inflation. Dahil dito, marami sa atin ang naghigpit ng sinturon upang mapagkasya ang sweldo. Bukod dito, mas ginagamit na ng mga tao ang kanilang pera sa wais na paraan.

Sa aking parte, mas nag-ipon ako ng pera na natitira mula sa aking baon. Napansin ko rin ang epekto ng inflation sa aking pamilya. Naging mas wais ang mga miyembro ng aking pamilya sa kanilang mga binibili. Bago sila bumili ng isang bagay, sinisigurado muna nila na ang pinakasulit na produkto ang kanilang bibilhin. Kagaya ng iba, mas pinipili na ng aking pamilya ang mga produkto na marami ang pakinabang. Kung dati ay bumibili sila ng isang bote ng shampoo at isang bote ng conditioner, ngayon ay bumibili na lamang sila ng isang bote ng shampoo with conditioner upang makatipid.

Sa panahon ngayon, kailangan nating gumawa ng paraan upang maging mas wais at mas matalinong mga konsumer.

Sana ay nakatulong ang mga ideyang ito upang makagawa ka rin ng iyong sarili at orihinal na sanaysay tungkol sa implasyon. Maaari mo ring gamitin ito kung ikaw man ay gagawa ng talumpati tungkol sa implasyon o di kaya ay tula tungkol sa implasyon.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa inflation:

Ano ba ang ibig sabihin ng inflation:

Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin:

Causes and effect of inflation: