Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Tula tungkol sa "Batang Magalang" na may 4 na saknong at 4 na pangungusap bawat 1 saknong. Thanks po inadvance sa makakapagbigay ng tula. Sa

Tula tungkol sa "Batang Magalang" na may 4 na saknong at 4 na pangungusap bawat 1 saknong. Thanks po inadvance sa makakapagbigay ng tula. Salamat!

Asked by: Guest | Views: 44
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Answer:

""Batang Magalang""

Ang pagiging magalang, kinatutuwaan

Lalo na maging bata man.

Ang batang gumagamit ng po at opo, kahit kaninuman

Sadyang napakasarap pakinggan.

Ang batang magalang, kinatutuwaan

Ang pagbati sa umaga, sa tanghali o sa gabi man.

Maging ang pagmamano sa mga nakatatanda

Ay napakasayang pagmasdan.

Ang batang magalang, kinatutuwaan

Kahit ang makita ay sino man,

Sa pagsasalita’y laging mahinahon,

Ang po at opo ang lagi niyang tugon.

Ang batang magalang, kinatutuwaan

Kaya nararapat lamang na ating tularan,

Maging matanda man,

Dahil ang pagiging magalang ay magandang katangian.

Kahalagahan ng pagiging magalang  
Ito ay isang paraan ng pagbigay respeto sa ibang tao.  
Dahil isa itong paraan ng pagmamalasakit sa kapwa.  
Nagpapakita ito ng paggawa ng mabuti sa kapwa.  
Ang pagiging magalang ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.  
Isa rin itong pagbibigay ng halaga sa isang tao.  
Isa rin itong pagpapakita ng pagmamahal sa ibang tao.  
Isa itong pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga nakatatanda.  

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na:  

Bakit mahalaga ang paggalang o respeto: brainly.ph/question/579669  

Halimbawa ng Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao. brainly.ph/question/1586585  

Kahulugan ng salitang Paggalang: brainly.ph/question/978788; brainly.ph/question/898057  

Mga Halimbawa ng Paggalang: brainly.ph/question/1150474  

#LetsStudy"