Home » Articles » Legal Advice

Applicable ba sa mga family drivers ang R.A. 10361 o Batas Kasambahay?

Applicable ba sa mga family drivers ang R.A. 10361 o Batas Kasambahay?
"Dear Attorney,

Kumuha po kami ng family driver at iniisip po namin kung covered din ba siya ng Batas Kasambahay. Gusto ko po sanang malaman kung ano ba ang pagbabatayan namin ng mga benepisyong ibibigay. -- Fred

Dear Fred,




Noong hindi pa naipapasa ang Batas Kasambahay ay saklaw pa ng Labor Code ang mga family drivers ayon sa Article 141 nito na naghanay sa mga family drivers kasama ng mga kasambahay. Ngunit nang naipasa na ang Batas Kasambahay noong 2013, kapansin-pansin ang pagkawala ng mga family drivers sa listahan ng mga household helpers na saklaw ng nasabing batas katulad ng mga kasambahay, kusinero, at hardinero. Nakasaad sa Batas Kasambahay na pinapalitan na nito ang mga probisyong nakasaad sa Labor Code na ukol sa mga kasambahay, partikular na ang Article 141. Bukod pa rito, diretsahan na ring nakasaad sa mga patakaran at regulasyon na nagpapatupad ng Batas Kasambay (Implementing Rules and Regulations) na hindi saklaw ng nasabing batas ang mga family drivers.

Dahil dito, lumalabas na malabo kung ano ang batas na maaring pagbatayan ng mga karapatan ng mga family drivers.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Ito ang isyu na kinaharap at nilinaw ng Korte Suprema sa Celia R. Atienza vs. Noel Sacramento Saluta, (G.R. 233413, June 17, 2019). Ayon sa Korte, kailangang ang Civil Code ang pagbatayan ng mga karapatan ng mga family drivers sa kadahilanang bagama’t pinalitan ng Batas Kasambahay ang probisyon ng Labor Code na dati ay applicable sana sa mga family drivers, hindi naman isinama ang family drivers sa listahan ng mga household helpers na saklaw ng Batas Kasambahay.

Dahil dito, kailangang ibatay sa mga probisyon ng Civil Code partikular na ang Articles 1689, 1697, at 1699, ang karapatan ng mga family drivers. Nakasaad sa mga nasabing probisyon na kailangang bigyan ng rasonableng kabayaran ang serbisyo ng mga family drivers, pati na rin ang gastos para sa kanilang tutuluyan at pagkain, at kailangan din na may nakatakdang panahon ang pagkuha ng kanilang serbisyo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Applicable ba sa mga family drivers ang R.A. 10361 o Batas Kasambahay?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 587 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0