Home » Articles » Legal Advice

Idinemanda ng BP 22, puwede bang masampahan ulit ng kaso para sa iba pang tseke?

Idinemanda ng BP 22, puwede bang masampahan ulit ng kaso para sa iba pang tseke?
"Dear Attorney,

Nag-isyu po ako ng ilang tseke sa mga inutangan ko bilang security sa loan na hiniram ko sa kanila. Ngayon po ay nawalan ako ng trabaho kaya hindi ko alam kung paano popondohan ang ilan sa mga tseke. Kapag po ba idinemanda ako ng isa sa mga inutangan ko at nahatulan ako para sa salang BP 22, puwede pa ba akong kasuhan noong ibang inutangan ko para naman sa mga tsekeng inisyu ko sa kanila? Binabasa ko po kasi ang column n’yo kaya iniisip ko kung pasok po ba sa tinatawag na double jeopardy ang sitwasyon ko kung sakali. — Eric

Dear Eric,




Kung babasahin mo uli ang mga naunang column ko ukol sa double jeopardy, makikita mong hindi pasok sa double jeopardy ang inilahad mong sitwasyon.

Maari ka pa ring habulin ng ibang inisyuhan mo ng tseke kahit pa may naunang kaso na ng BP 22 laban sa iyo kung saan ikaw ay na-convict o na-acquit.




Malinaw sa Section 21, Article III ng 1987 Constitution na hindi maaring manganib sa posibleng kaparusahan ang isang tao ng pangalawang beses para sa iisang paglabag sa batas.

Kung naparusahan na o naabsuwelto na ang isang tao para sa isang paglabag, magiging hadlang na ito para sa muling pag-uusig sa kanya para sa partikular na paglabag na iyon. Ang ipinagbabawal ng batas ay ang pag-uusig ng ikawalang beses para sa iisang offense o paglabag.

Base sa nabanggit, hindi angkop ang double jeopardy sa sitwasyong inilahad mo dahil multiple offenses o magkakahiwalay na paglabag sa BP 22 ang pag-iisyu ng magkakaibang tseke na tumalbog kahit pa ukol lamang sa iisang transaksyon ang mga ito.

Maari mong magamit ang depensa ng double jeopardy kung halimbawa ay kinasuhan ka ng BP 22 para isang tsekeng tumalbog at kalaunan ay na-convict o na-acquit ka. Dahil may double jeopardy na, hindi ka na maaring sampahan muli ng kasunod na BP 22 na kaso para sa partikular na tsekeng iyon.

Ngunit katulad nga ng nabanggit ko, hindi ito hadlang para sa pagsasampa ng kaso laban sa iyo para sa ibang tseke (kung nag-isyu ka pa ng iba) na tumalbog rin." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Idinemanda ng BP 22, puwede bang masampahan ulit ng kaso para sa iba pang tseke?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 638 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Wfeklm [Entry]

lipitor 10mg oral <a href="https://lipiws.top/">lipitor 80mg brand</a> lipitor 40mg cost