Home » Articles » Legal Advice

Ikinasal ng pastor ng ibang relihiyon, may epekto ba sa bisa ng kasal?

Ikinasal ng pastor ng ibang relihiyon, may epekto ba sa bisa ng kasal?
"Dear Atty.,

Isang pastor po ang nagkasal sa aming mag-asawa, 10 taon na ang nakararaan. Bagama’t hindi naman po kami miyembro ng sektang kinabibilangan niya ay siya po ang napili naming magkasal sa amin dahil matalik namin siyang kaibigang mag-asawa. Ngayon po ay ilang taon na kaming hiwalay ng aking mister at iniisip ko na pong mag-file ng annulment. Tama po ba na maari kong gamitin na dahilan para sa pagpapawalang bisa ng kasal namin ang pagkasal sa amin ng pastor naming kaibigan gayong hindi naman kami kasapi ng relihiyon niya? --Annie

Dear Annie,




Ang isa sa mga pormal na requirement upang masabing valid o may bisa ang isang kasal ay ang pagkakaroon ng awtoridad ng solemnizing officer o ng taong nagkakasal. Bilang isang pormal na requirement, ang kawalan nito ay magdudulot ng kawalang-bisa ng kasal.

Ayon sa Article 7 ng Family Code, kailangang kahit isa sa mga ikakasal ay kasapi ng relihiyon o sekta ng pari, rabbi, imam, o ministro na magkakasal sa kanila.




Kung babasahin naman ang Article 35 ng Family Code, void o walang bisa ang kasal na pinangasiwaan ng isang taong wala namang kapangyarihang magkasal, puwera na lang kung ang mga ikinasal ay buo ang naging paniniwala na may sapat na awtoridad ang taong nagkasal sa kanila.

Sa kaso mo ay malinaw na walang kapangyarihan ang pastor niyong kaibigan na ikasal kayong dalawa dahil hindi naman kayo nabibilang sa kanyang sekta. Sa kabila nito, hindi pa rin masasabi na walang bisa ang naging kasal ninyo dahil ayon sa Article 35 ng Family Code, kung naniwala ang kahit ang isa sa inyo na may kaapangyarihan ang kaibigan n’yo na ikasal kayo ay masasabing may bisa pa rin ang inyong naging kasal.

Kung hindi naman ay kailangang mapatunayan mo sa korte, sakaling hilingin mo ang pagpapawalang-bisa ng inyong kasal, na walang kapangyarihan ang nagkasal sa inyo at pareho n’yo itong alam ng asawa mo noong ikasal kayo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ikinasal ng pastor ng ibang relihiyon, may epekto ba sa bisa ng kasal?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 640 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Bhhjog [Entry]

buy atorvastatin pills <a href="https://lipiws.top/">buy cheap lipitor</a> buy atorvastatin 40mg for sale