Home » Articles » Legal Advice

Maari pa rin bang maghabol ang insurance company kahit nagkaaregluhan na?

Maari pa rin bang maghabol ang insurance company kahit nagkaaregluhan na?
"Dear Attorney,

May nasagi po akong sasakyan sa car park ng isang mall noon pang Pebrero. Mabilis naman pong kausap ang may-ari ng sasakyan na nagsabing wala siyang balak magsampa ng reklamo at bahala na raw ang kanyang insurance sa pinsalang tinamo ng kotse niya. Kaya naman laking gulat ko nitong isang linggo nang makatanggap ako ng demand letter mula sa isang insurance company na sinisingil ako para sa gastos sa pagkumpuni ng sasakyang nabangga ko. Tama po ang ginagawa nilang paniningil kahit nagkaayos na kami ng may-ari ng sasakyang nabangga ko? – Danny

Dear Danny,




Hahabulin ka talaga ng insurance company ng may-ari ng sasakyang nabangga mo. Base sa inilahad mo ay aminado ka namang ikaw ang may kasalanan sa ginawang pagsagi ng sasakyan mo kaya ikaw dapat ang managot sa pinsalang idinulot nito.

Hindi mo dapat ipagpalagay mula sa sinabi ng may-ari ng sasakyang nasagi mo na wala ka ng pananagutan; ibig sabihin lang niya ay ayaw na niyang maabala pa sa pagsasampa ng reklamo laban sa iyo kaya hahayaan na lang niyang ang insurance niya ang sumagot sa pinsala at sila na lamang humabol sa iyo.




Nakasaad kasi sa Article 2207 ng ating Civil Code na kung sakaling may insurance ang ari-ariang napinsala at nakatanggap ng halaga para sa daños ang may-ari nito, may karapatan ang insurance company na pumalit sa katayuan ng may-ari upang ang kompanya na ang may karapatang humabol sa naging sanhi ng pinsala. Kaya huwag ka nang magulat sa demand letter na natanggap mo dahil kailangan mo talagang panagutan ang pinsalang idinulot mo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari pa rin bang maghabol ang insurance company kahit nagkaaregluhan na?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 507 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Rvhsgd [Entry]

order atorvastatin 80mg generic <a href="https://lipiws.top/">lipitor 20mg cheap</a> atorvastatin 10mg tablet