Home » Articles » Legal Advice

Sapat na bang katibayan ng pagmamay-ari ng lupa ang tax declaration?

Sapat na bang katibayan ng pagmamay-ari ng lupa ang tax declaration?
"Dear Attorney,

May nagbebenta po sa akin ng lupa pero tax declaration lang ang hawak niya dahil wala pa raw siyang titulo. Pwede ko po bang asahan ang tax decla­raration bilang katibayan na sa kanya nga ang lupa? -- Andy

Dear Andy,




Hindi katumbas ng titulo ang tax declaration kaya hindi ka maaring umasa lamang sa tax declaration kung gusto mong makasigurado na ang nagbebenta sa iyo ng lupa ay siyang may-ari nito.

Ayon sa Palali v. Awisan (G.R. No. 158385, February 12, 2010), ang tax declaration ay hindi konklusibong pruweba ng pagmamay-ari ng lupa. Ayon din sa Korte Suprema sa kaso ng Daclag v. Macahilig (G.R. No. 159578, July 28, 2008), hindi maaring asahan ang tax declaration dahil hindi katulad ng titulo ng lupa, wala namang nakasaad doon na nagbibigay ito ng anumang karapatan ng pagmamay-ari sa pangalang nakalagay.




Hindi naman ibig sabihin nito ay wala nang silbi ang mga tax declaration ukol sa usapin ng pagmamay-ari ng lupa. Para sa mga magpaparehistro ng titulo, magandang pruweba ang tax declaration para patunayan ang naging pag-okupa ng aplikante sa lupa.

Ayon kasi sa Korte Suprema sa Republic v. Sta. Ana-Burgos (G.R. No. 163254, 1 June 2007), magandang indicia o senyales ng pagtira sa lupa ang pagkakaroon ng tax declaration dahil wala namang tao na nasa tamang pag-iisip ang magbabayad ng amelyar para sa lupang hindi naman niya kasalukuyang inookupa.

Iyon nga lang, para sa katulad mo na balak bumili ng lupa ay hindi masyadong makakatulong ang tax declaration para masigurado na ang nagbebenta sa iyo ay siyang may-ari nito dahil hindi naman kailangang may-ari ang magbayad ng amelyar sa lupa." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sapat na bang katibayan ng pagmamay-ari ng lupa ang tax declaration?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 693 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Ligfai [Entry]

lipitor for sale online <a href="https://lipiws.top/">order lipitor 10mg pills</a> atorvastatin 10mg without prescription