[ New messages · Members · Forum rules · Search · RSS ]
Page 1 of 11
Forum » AffordableCebu.com Lobby » Current Events » Is Hayden Kho eyeing sexy actress and pole dancer Paloma?
Is Hayden Kho eyeing sexy actress and pole dancer Paloma?
adminDate: Tuesday, 24 August 2010, 8:03 PM | Message # 1
Newbie
Group: Administrators
Messages: 442
Awards: 21
Reputation: 5
Status: Offline

Is Hayden Kho eyeing sexy actress and pole dancer Paloma?

May kumakalat na balita na ang professional pole dancer at sexy actress na si Paloma Esmeria ang "bagong prospect" daw ngayon ng controversial ex-cosmetic surgeon na si Hayden Kho. Ang balitang ito ay nagsimula sa Facebook group na Drop Dead Gorgeous (DDG).

Kinumpirma naman ito ni Paloma mismo nang makausap siya ng writer na ito last August 5 sa bahay ng Chikka CEO na si Dennis Mendiola sa Pasig.

"Yap, it's true!" pag-amin ni Paloma. "Nagparamdam sa akin si Hayden through a friend in an Internet group called Drop Dead Gorgeous.

Kuwento pa niya, "Sabi sa akin ng isa sa mga founders ng DDG, nakita raw ako ni Hayden sa picture ko sa DDG profile sa Facebook and from there, e, lagi na raw kinukulit ni Hayden yung mga taga-DDG na i-invite ako sa kanilang mga events na laging ginaganap sa The Lounge. E, di ba si Hayden ang owner ng The Lounge Bar sa Tomas Morato?"

Mukhang "pino-prospect" siyang ligawan ng controversial ex-doctor. Hindi ba siya natatakot kay Dra. Vicki Belo, na rumored girlfriend pa rin ni Hayden?

"I'm not afraid of Dra. Belo kasi wala naman akong ginagawa, e," sagot ni Paloma. "Isa pa, hindi ko naman ine-enertain ang pagpaparamdam sa akin ni Hayden kaya hindi dapat mag-worry si Dra. Belo," sabi ni Paloma.

Nakausap din ng writer na ito ang isang founder ng DDG, na tumangging magpangalan, sa isang event ng Facebook group nila na ginanap sa The Lounge Bar, sa Tomas Morato, Quezon City, last August 8. Ang The Lounge ay pag-aari ni Hayden, kasama sina Dr. Red Lacanilao at ang abugadong si JP Ferrer.

Kuwento ng DDG founder, "Hayden talked to me and asked me kung puwede raw niyang makilala si Paloma. Kaya 'yon, ipinarating ko agad yung sinabi sa akin ni Hayden."

Dagdag pa niya, "Sa tingin ko, e, crush talaga ni Hayden si Paloma dahil bukod sa gusto niya itong makilala, e, gusto rin niyang ipa-invite sa akin si Paloma sa launching ng kanyang signature cologne para magkaroon daw sila ng bonding and intimacy. Dun nag-umpisa ang pagpaparamdam niya kay Paloma. Siguro, I can say na Hayden is very much interested sa kanya."

Sinubukan din naming kunin ang reaksiyon ni Hayden tungkol sa balita, pero ayon sa kanyang publicist ay ayaw na raw magsalita nito.

Nang si Dra. Belo naman ang tanungin tungkol kina Hayden at Paloma, ito ang kanyang naging sagot: "Kung saan magiging maligaya si Hayden, e, I will support him. No hurt feelings."

Pagkatapos nito ay umiwas na sa mga sumunod na tanong tungkol sa issue si Dra. Belo, na nakausap namin sa 8th anniversary ng Belo Medical Clinic sa Annapolis, Greenhills last August 8.

Source: http://ph.news.yahoo.com/pep....78.html

 
Forum » AffordableCebu.com Lobby » Current Events » Is Hayden Kho eyeing sexy actress and pole dancer Paloma?
Page 1 of 11
Search: