Home » Articles » Legal Advice

Mga hindi nagsasauli ng mga nawawalang gamit, maaring maharap sa kasong theft

Mga hindi nagsasauli ng mga nawawalang gamit, maaring maharap sa kasong theft
"Dear Atty.,

Isa po akong college student sa Maynila. Isang araw ay aksidenteng naiwan ko ang aking laptop sa aming classroom. Ilang linggo ko rin itong hinanap bago ko napansing dala-dala ito ng isa sa aking mga kaklase sa loob ng kanyang bag. Kinausap ko ang nasabing kaklase ngunit itinanggi niyang iyon ang laptop kong nawawala.

Sigurado po ako na akin ang dala-dala niyang laptop.  Ano po ba ang maari kong isampang kaso sa kaklase kong ayaw magbalik ng nawala kong gamit? -- Marilyn




Dear Marilyn,

Kung sigurado ka na iyon nga ang nawawala mong laptop ay maaring maharap sa kasong theft o pagnanakaw ang iyong kaklase kahit na aksidenteng napulot lang niya ito matapos mong maiwan sa inyong classroom.




Pinarurusahan sa ilalim ng Article 308 ng ating Revised Penal Code hindi lamang ang mga kumukuha ng isang bagay na hindi naman nila pag-aari. Matatawag din na pagnanakaw sa ilalim ng Article 308 ang hindi pagsasauli sa may-ari o sa mga kinauukulan ng isang bagay na nawala.

Kung alam ng iyong kaklase na ikaw ang nagmamay-ari ng laptop, dapat agad niya itong ibinalik sa iyo. Kung wala naman siyang kaalam-alam kung sino ang nagmamay-ari ng laptop, dapat niya itong i-deposit sa lokal na pamahalaan alinsunod sa Article 719 ng Civil Code.

Ayon sa nasabing probisyon, dapat i-deposit ang isang bagay na nawawala sa panganga­laga ng mayor ng siyudad o munisipyo kung saan ito natagpuan kung hindi alam ng “finder” o ng nakapulot kung sino ang nagmamay-ari nito. May responsibilidad naman ang mayor na ipagbigay-alam sa publiko ang nawawalang gamit na nasa kanyang pangangalaga.

Maari lamang mapasakamay ng nakapulot ang bagay na kanyang nahanap kung matapos ang anim na buwan ay wala pa ring lumilitaw na may-ari upang bawiin ito mula sa pangangalaga ng mayor.

Bagama’t makaluma na ang probisyong ito ng Civil Code, may bisa pa rin ito kaya base sa mga nabanggit ay maari mong sampahan ng kasong pagnanakaw ang iyong kaklase dahil sa hindi niya pagsauli sa iyo ng laptop na kanyang natagpuan.

Nawa’y nasagot ko ng lubos ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad kaya maaring mag-iba ito sakaling may ilang mahahalagang bagay ka na  hindi nabanggit." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga hindi nagsasauli ng mga nawawalang gamit, maaring maharap sa kasong theft" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 520 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Hwwwnk [Entry]

buy lipitor online cheap <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 80mg ca</a> buy lipitor 40mg