Home » Articles » Legal Advice

Sa double sale ng lupa, mas may karapatan ang unang nagparehistro ng titulo

Sa double sale ng lupa, mas may karapatan ang unang nagparehistro ng titulo
"Dear Attorney,

Nadiskubre ko po na dalawa pala kaming binentahan ng loteng binili ko. Nalaman ko rin na naparehistro na pala noong kapwa ko na nakabili ng lupa sa pangalan niya ang nasabing ari-arian? May habol pa ba ako gayong ako naman sa pagkakaalam ko ang unang nakabili sa lupa bago ito ibinenta ng ikawalang beses ng manlolokong seller?--Ted

Dear Ted,




Double sale ang nangyari sa sitwasyon mo at ayon sa batas, sa kaso ng double sale ng lupa ay mangingibabaw ang karapatan ng buyer na siyang unang nakapag-parehistro sa property basta ba siya ay isang buyer in good faith o iyong buyer na walang kaalam-alam sa anumang depekto sa titulo ng nagbenta. Kailangan din na ginawa niya ang lahat upang masigurado na hindi depektibo ang titulo ng lupa na kanyang bibilhin katulad ng pagtse-check kung ang nagbebenta ba talaga  ang may-ari ng lupang binibili niya.

Kung buyer in good faith ang kapwa mong nakabili sa lupang dalawang beses ibinenta ay mahihirapan kang habulin pa ang lupa. Bagama’t may karapatan kang kuwestiyunin ang titulo sa lupa kung wala pang isang taon ito naipaparehistro ay papanigan pa rin siya ng korte kung mapatunayan niyang siya ay buyer in good faith dahil siya ang unang nakapagparehistro ng lupa sa pangalan niya. Mas maganda kung hahabulin mo na lang ang nagbenta sa iyo ng lupa upang mabawi mo ang ipinambayad mo.




Kung hindi naman buyer in good faith ang kapwa mong nakabili sa lupa ay may habol ka pa kung ikaw ay isang buyer in good faith. Ibig sabihin kasi ay binili niya ang lupa kahit alam naman niyang naibenta na rin ito sa iyo kaya walang magiging epekto ang pagpaparehistro niya sa lupa.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang nakasaad na legal advice dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon. Mas mainam pa rin na kayo ay personal na kumunsulta sa isang abogado para sa inyong mga problemang legal." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sa double sale ng lupa, mas may karapatan ang unang nagparehistro ng titulo" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 644 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0