Home » Articles » Literature

Ano ang Dagli?

Ano ang Dagli?
"Ang dagli o quick/flash fiction ay uri ng kwento na mas maiksi pa sa maikling kwento. Kadalasan ay hindi ito lalampas sa 1,000 salita, ang iba naman ay pinipilt pang paikliin ito sa loob ng 200 salita. Layunin nitong magkwento nang hindi naisasakripisyo ang kabuuan ng mga pangyayari sa pinakakaunting salita.Bahagyang komplikado ang dagli dahil kung minsa’y para itong tula, alamat, salaysay, at iba pang mga uri ng kwento. Depende sa manunulat, maaari silang gumamit ng dagli sa kahit ano mang plataporma gaya ng social media/Twitter na maaaring mag sumite ng hanggang 140-280 letra.Paano gumawa ng dagli?Ang dagli ay ginagawa alinsunod sa nga palatuntunang ito:Isaisip na mas maikli pa ito sa maikling kwento. Ito ang depinisyon ng dagli at ang nagtatangi rito kung kaya’t dapat itong isaisip sa lahat ng oras.Bigyan ng mabibigat na patapos na pangungusap, punchline, o twist ang dagli. Halimbawa nito’y si inang pala ang dumukot ng pera  ko, pinatay niya kanyang ang sarili upang mabuhay ako, o dugo ko ang tumutulo sa sahig ng banyo.Dapat ay nagtataglay ito ng limang elemento. Ang mga ito ay ang tauhan, banghay, kaaway/kapanayam, dayalogo, at pagsasalaysay at paglalarawan ng malabis na pangayayari. Katangian ng DagliAng dagli ay may tatlong pangunahing katangian: 

Ang ikli nitong mas maikli pa sa maikling kwento;Pwedeng hindi lumagpas sa isang pahina; atAng wakas ay hindi konkreto.Katangian ng Dagli NoonAng dagli noon, ayon kay Aristotle Atienza na patungkol sa antolohiya ng kanilang mga nakalap na daglit, ay nagpakikita ng mga kwentong:may pananaw ng mga kalalakihan sa patriyarkal na lipunan sa panahon ng Amerika, ang dedikasyon at pagiging makabayan sa Amerika, atpagsusuyo’t panliligaw sa mga napupusuang babae.Katangian ng Dagli NgayonNaging flash fiction o sudden fiction ang dagli sa kasalukuyan. Nadagdag din ang pagsusulat na may temang slice of life o pang-araw araw na karanasan, na kung saan ay laganap sa kasalukuyan.Dagli ni Eros AtaliaKilala si Eros Atalia bilang isang mahusay na manunulat ng librong dagli na napangalanang “Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay)”. Ang libro ay kompilasyon ng mga dagling kanyang isnulat na nagkaroroon ng mahiwaga at nakatatawang tema kagaya ng: KamatayanSa Dako ParoonMga Kwentong MaliBilog na de KahonEh Kasi BataSenior CitizenOkasyonTrabaho Lang Commercial Mga Kwentong Di PambataNapakagandang basahin ng libro sapagkat nagdadala ito ng kagalakan habang nagbibigay ito ng aral. Sa istruktura rin ng dagli ay madali itong nababasa, kung kaya’t bagay ito sa mga taong walang oras sa pagbabasa.What’s your Reaction?+1 15+1 2+1 3+1 1+1 1+1 0+1 3 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang Dagli?" was written by Mary under the Literature category. It has been read 256 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 0