BANGHAY ARALIN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahalagahan ng banghay aralin at ang mga halimbawa nito.Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang isang banghay aralin. Dito nakasulat ang plano ng isang guro sa kanyang mga paksang gustong tatalakayin o mga leksyon nito. Kaya naman, tinatawag itong “lesson plan” sa Ingles. Ito rin ang sinusunod ng guro sa kanyang isasagawa na pagtuturo.
Nakapaloob dito ang mga layunin, paksang aralin, mga kagamitan, pamaraan, at ebalwasyon. Heto ang mga halimbawa ng kahalagahan ng Banghay Aralin:
Ito ay nagiging gabay ng mga guro para magkaroon ng isang direksyon sa pagtatalakay ng mga leksyon sa mga estudyante.Minsan, ito ay nagsisilbing iskrip ng guro para sa kanyang pagturo.Dahil dito, natatantya na ng mga guro bago magklase kung gaano katagal niya dapat talakayin ang mga parte ng kanyang paksang tatalakayin.Ito rin ay nagbibigay ng kumpyansa sa sarili ang guro at siya ang nagiging handa dahil sa banghay aralin.Nagiging mabuting halimbawa ang guro sa kanyang mga mag-aaral kung kaya niyang maging organisado lalo na sa mga leksyon na dapat tatalakayin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Haiku Tungkol Sa Quarantine – Halimbawa At Kahulugan Nito
0 comment(s) for this post "Kahalagahan Ng Banghay Aralin Halimbawa At Kahulugan Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.
- https://www.affordablecebu.com/