Home » Articles » Schools / Universities

Ano Ang Mensahe Ng “Ang Alaga” At Mga Gintong Aral Nito ANG ALAGA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Mensahe ng kuwe...

Ano Ang Mensahe Ng “Ang Alaga” At Mga Gintong Aral Nito



ANG ALAGA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Mensahe ng kuwentong “Ang Alaga” at ang mga aral nito.Ankwento ng “Ang Alaga” ay hindi natin dapat bigyan ng labis na pagmamahal ang ating mga alaga. Bukod dito, ating tandaan na kung isinasakripisyo natin ang ating sarili para sa ating mga alaga, hindi ito makabubuti. Isa sa mensahe ng kwento ay ang pagtanggap din ng mga sitwasyong hindi natin inaasahan.



 Ang kasiyahan ay biglang naging kalungkutan sa pagreretiro ni Kibuka ng isang araw.Sa araw na iyon, dumalaw ang kanyang apo at ibinigay sa kanya ang isang biik.Sa kwentong ito pinakita na lubusang minahal ni Kibuka ang kanyang alagang baboy. Maraming bagay ang isinantabi nito at isinakripisyo para sa mga ito. Isa na rito ang kanyang sarili.



 
Minsan, sinisinghot niya na lamang ang kanyang pagkain para lamang ipakain sa kanyang alagang biik maliban pa ito sa pinapakain nyang matoke. Hinahayahan rin nitong matulog sa kanyang paanan ang kanyang alagang baboy na siyang dahilan ng kanyang pagkapuyat dahil sa malakas na paghilik nito.

Nagkaroon din ng mga kalyo ang mga paa ni Kibuka at nahihirapan siyang  maglakad sa tuwing ipapasyal niya ang kanyang alagang baboy. Ngunit sabi nga nila lahat ng sobra ay masama lalo na kung may masamang epekto na ito sa iyong sarili.



 
Ito, ang gintong aral na dapat nating pagbigyang pansin. Dapat huwag maging labis ang pagmamahal ni Kibuka sa kanyang alaga. Dapat nating bigyan ng pagmamahal ang ating mga alaga.



Pero, kapag sarili na natin ay hindi maaalagaan, hindi na ito nakabubuti para sa ating mental at pisikal na kalusugan.



 
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.



BASAHIN DIN: Ang Mga Dalit Kay Maria – Ano Ang Mga Dalit Kay Maria? (Sagot)
 



 
















 
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano Ang Mensahe Ng “Ang Alaga” At Mga Gintong Aral Nito ANG ALAGA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Mensahe ng kuwe" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 383 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 05 September 2021.
Total comments : 0