PAGSASALIN NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagsasalin ng wika at ang mga halimbawa nito.Sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, mayroon ring iba’t-ibang mga wika. Ito ay bahagi ng iba’t-ibang kultura at tradisyon at dapat bigyang halaga. Kaya naman, ang pagsasalin ng wika ay mahalaga.
Para maintindihan ito ng mas nakararami at para mas madaling pag-aralan, ang pagsasalin ay kailangan. Pero ano nga ba ito?Ayon kay C. Rabin , 1958:“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”
Sa madaling salita, ang pagsasalin ng wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas nito sa lokal na wika ng ibang lugar. Halimbawa, ang pagsasalin ng wikang Ingles sa Tagalog o kaya ang pagsalin ng Mandarin sa Tagalog.
Si Andronicus, isang Greek, ay ang unang kilalang tagasalin sa Europa. Lumikha siya ng isang lirikal na pagsasalin sa Latin ng Homer’s Odyssey. Pero, sa ngayong panahon, ang pagsasalin ay masmadaling gawin dahil sa pag-unlad ng teknolohiya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Bugtong At Palaisipan – Halimbawa At Kahulugan
0 comment(s) for this post "Ano Ang Pagsasalin Ng Wika? – Kahulugan At Halimbawa Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.
- https://www.affordablecebu.com/