Home » Articles » Health

Sanaysay Tungkol sa Droga (Article 2)

Ang droga na tinutukoy dito ay ang ipinagbabawal na gamot gaya ng "shabu", coccaine", "marijuana", "ecstacy" at marami pang ipinagbabawal na droga. Ang mga ito ay mga medicinal value o may mga katangian ng gamot pero bawal nga lang abusuhin dahil nakakasira ng katawan at pag-iisip.

Narito ang sanaysay tungkol sa droga o ipinagbabawal na gamot.

Sanaysay tungkol sa Droga


Sanaysay Tungkol sa Droga (Article 2)


Isa sa mga karapatan ng tao ay ang magsaya at libangin ang sarili. Lahat tayo ay dapat ding humanap ng oras para naman mapawi ang mga panahong pagod tayo sa pagtatrabaho o eskwela.

Gayunman, may ilan na sa maling landas nahanap ang kasiyahan at paraan ng pagtakas sa mga suliranin ng buhay.

Ang iba ay nagkaroon ng masamang bisyo tulad ng ipingbabawal na gamot. Imbes na mapabuti, naging dahilan pa ito ng pagkalugmok ng marami.

Unti-unti ay naging suliranin na ng lipunan ang iligal na droga. Nagbunga na ito ng kaliwa’t kanang kriminalidad tulad ng pagnanakaw, panloloko ng kapuwa, at maging pagpaslang ng mga inosenteng buhay.

Dahil tila wala na sa katinuan ang mga nalulong sa bisyong ito, wala nang sinisino ang mga ito at maging mga mahal sa buhay ay ginagawan na ng kasamaan.

Maraming pamilya na ang nasira ng ipinagbabawal na gamot. Maraming mga magulang ang nakalimutan na ang responsibilidad sa kanilang mga anak. Mayroon namang mga anak na kahit nasa wastong gulang na ay pasanin pa rin ng mga magulang dahil sa bisyo.

Mainit din sa mata ng batas ang mga lulong sa droga. Mayroong ‘giyera’ ang pamahalaan sa mga ito at talamak ang pagkakapaslang ng mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.

Lason ng lipunan ang ipinagbabawal na gamot. Maraming paraan upang libangin ang sarili. Iwasan ang mga bisyo at ituon ang oras sa mga mas makabuluhang bagay.

--- WAKAS ---
 


Narito ang ibang halimbawa ng mga slogan tungkol sa droga o ipinagbabawal na gamot:
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Sanaysay Tungkol sa Droga (Article 2)" was written by under the Health category. It has been read 125 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 02 February 2021.
Total comments : 0