Home » Articles » Legal Advice

Maaari bang sampahan muli ng kaso ang dati nang idinemanda para sa pagnanakaw?

Maaari bang sampahan muli ng kaso ang dati nang idinemanda para sa pagnanakaw?
"Dear Attorney,

Napasakamay ko na po kamakailan ang CCTV footage kung saan makikita ang pagnanakaw ng dati kong tindero sa aking tindahan. Balak ko po siyang sam­pahan ng kasong pagnanakaw ngunit may nakapagsabi sa akin na baka mauwi lang ito sa wala dahil noong isang taon ay idinemanda ko na siya para rin sa pagnanakaw ngunit na-dismiss ito sa piskalya pa lang dahil sa kakulangan ng ebidensya. Ayon sa nagsabi sa akin, hindi raw kasi maaari sa ilalim ng batas ang walang tigil na pagdedemanda laban sa iisang tao para sa kaparehong kriminal na reklamo. Tama po ba siya? – Jun

Dear Jun,




Bagama’t may basehan sa batas ang sinasabi ng kausap mo na hindi pinahihintulutan ng batas ang paulit-ulit na pagdedemanda ng kriminal na reklamo laban sa iisang tao, hindi naman angkop ito sa kaso mo.

Tinatawag na double jeopardy ang pag-uusig sa iisang tao ng higit sa iisang beses para sa iisang paglabag niya sa batas. Nakapaloob mismo sa ating Saligang Batas ang karapatan laban sa double jeopardy. Ayon sa Section 21, Article III ng 1987 Constitution, hindi maaaring manganib muli mula sa posibleng kaparusahan ang isang tao ng para sa iisang paglabag sa batas. Kung naparusahan na o naabsuwelto na ang isang tao para sa isang paglabag, magiging hadlang na ito para sa muling pag-uusig sa kanya para sa mismong paglabag na ito. Inilagay ito sa ating Bill of Rights bilang proteksiyon sa walang katapusang pagsasampa ng kaso.




Hindi angkop ang probisyon na ito sa kaso mo dahil ayon sa Canceran v. People (G.R. No. 206442, July 01, 2015), magkakaroon lamang ng double jeopardy kapag naisampa na sa husgado ang kaso at pagkatapos ng arraignment ay na-dismiss ito ng hindi dahil sa kagagawan ng akusado. Sa iyong kaso ay ni hindi nga nakarating sa husgado ang kasong isinampa mo laban sa iyong tindero dahil sa piskalya pa lang ay ibinasura na ito dahil sa kakulangan ng ebidensya. Ibig sabihin nito, hindi nagkaroon ng double jeopardy kaya maaari mo muling sampahan ng kasong pagnanakaw ang iyong tindero." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maaari bang sampahan muli ng kaso ang dati nang idinemanda para sa pagnanakaw?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 703 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Tyffmc [Entry]

order lipitor 20mg generic <a href="https://lipiws.top/">buy atorvastatin for sale</a> lipitor 40mg oral