- Gagamitin ko ang ating pambansang wika sa tamang paraan.
- Aawitin ko ang ating pambansang awit ng maayos.
- Ipagmamalaki ko ito bilang aking wikang nakagisnan at kinalakihan.
- Mas uunahin kong aralin ang ating wika kaysa sa mga wika ng dayuhan.
- Mamahalin ko ang ating wika katulad ng pagmamahal ko sa aking sarili dahil ako ay isang Pilipino.
- Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino.
- Paghubog ng isang sining; "drawing, iskultura, sand animation o anumang uri ng sining" na may kinalaman sa papapahalaga ng ating wikang pambansa.
- Paglikha nga mga nakakatuwang tula, mga kinapupulutan ng aral na mga sanaysay, kwento, o anomang artikulo gamit ang wikang pambansa.
- Makilahok sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang pambansa.
- Pakikinig ng mga OPM na kanta
- Huwag gumamit ng mga conyo o jejemon na salita
- Paggamit ng sariling wika sa araw araw na pakikipag-uganyan sa ibang tao
- Mapanuring pakikipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino
- Magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga "research papers" na gumagamit ng wikang Filipino.
- Sa araw-araw na panangalangin mo sa Diyos, kay Bathala, kay Allah, kay Buddha, o sa sinumang sinasamba mo, maaari mong gamitin ang wikang Filipino.
Meron ka bang ibang concern tungkol sa ating pambansang wika, ang wikang Filipino? Ipost mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/