Home » Articles » Schools / Universities

Buwan ng Wikang Pambansa 2013

Alinsunod sa itinatakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na may tema na "Wika Natin ang Daang Matuwid".
Mga Layunin ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2013

Nilalayon ng pagdiriwang na ito na:
  1. ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
  2. mahikayat ang iba't ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at
  3. maganyak ang mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang Filipino sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Hinati sa sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang:
  • Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan;
  • Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian;
  • Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan;
  • Ang Wlka Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran; at
  • Ang Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga ng Kapaligiran.
Ang mga nabanggit na sub tema ang papatnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang.

Malugod na hinihikayat ang suporta at pakikilahok ng mga kinauukulan sa mga gawain at programa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2013

Hinihiling sa lahat na makipag-ugnayan at mag-sumite ng sang buwang programa ng pagdiriwang bago ang 30 Hunyo 2013 sa KOMISYON SA WIKANG FILIPINO, Sangay ng Impormasyon at Publikasyon, 21F Watson Bldg., JP Laurel St., Malacanan Palace Ground, San Miguel, 1005 Maynila, o tumawag at makipag-ugnayan sa telepono big. (02) 736.2524173625251 7362519 o sa email: komfil.gov.@gmail.com; www.kwf.gov.ph.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Buwan ng Wikang Pambansa 2013" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 4721 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 June 2013.
Total comments : 1
Fdkoxq [Entry]

lipitor for sale <a href="https://lipiws.top/">order atorvastatin 10mg generic</a> order atorvastatin generic