Home » Articles » Events

Buwan ng Wika 2012

Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon B1g. 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wika tuwing Agosto 1-31, ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na may paksang "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino."
Layunin ng pagdiriwang ang mga sumusunod:
  1. maisakatuparan ang mga tungkulin ng KWF ayon sa itinakda ng Seksiyon XIV, Letrang L ng Batas Republika 7104;
  2. mapalakas lo ang wikang Filipino bilang Wikang pambansa at Wikang panlahat para sa lakas at tatag ng sambayanang Pilipino;
  3. magunita ang kasaysayan ng wikang pambansa sa ika-75 taon mula nang ipahayag ang Tagalog bilang batayang wika;
  4. maganyak ang mamamayang Pilipino na makilahok sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay sa Filipino; at
  5. lalong pasiglahin ang mga paaralan sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Hinati sa limang (5) paksa ang isang buwang pagdiriwang:

PetsaPaksa
Agosto 1-7Pitumpu't limang taon sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong Pilipino
Agosto 8-14Filipino at iba pang mga Wika sa Pilipinas: Lakas ng K to 12 at MTB-MLE
Agosto 15-21Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan sa Kapayapaan
Agosto 22-28Wikang Filipino: Wikang Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino
Agosto 29-31Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Landas

Kalakip nito ang Mungkahing Palatuntunan ng mga Gawain para sa isang buwang pagdiriwang.

Hinihiling ang maaga at malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.



BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2012

Agosto 1-7  Pitumpu't Limang (75) Taon sa Pagsusulong ng Wikang Filipino sa Edukasyong Pilipino
  1. Pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng wika
  2. Pagdaraos ng talakayan hinggil sa isyu ng pagpapaunlad ng wikang Filipino
  3. Pagsasagawa ng eksibit na ang tema ay nauukol sa kasaysayan ng wikang Filipino mula nang ipahayag ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika.
  4. Pagpapagamit ng wikang Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiyang opisyal at iba pang disiplina.
  5. Pagtalakay na ang wikang Filipino ang pangunahing daluyang ng pagsasalita, pagbasa at pagsulat
Agosto 8-14  Filipino at iba pang mga Wika sa Pilipinas: Lakas ng K to 12 at MTB-MLE
  1. Pagtalakay ng wikang Filipino at iba pang mga wika bilang wika sa binagong kurikulum sa edukasyon (MTB-MLE)
  2. Pagpapalakas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo alinsunod sa kurikulum ng K to 12.
  3. Pagdaraos ng mga debate sa paksang "Nakatutulong ang Wikang Katutubo sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino".
  4. Pagpapasulat ng maiikling sanaysay kaugnay ng pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa sa antas elementarya at sekondarya.
  5. Paghahanda ng slogan na may kaugnayan sa paksa, para sa lalo pang pagpapasigla ng pagdiriwang.
Agosto 15-21  Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan sa Kapayapaan
  1. Pagsasapuso ng pag-awit ng "Lupang Hiniring"
  2. Pagsasapuso ng Panatang Makabayan
  3. Pagsasapuso ng mga awiting bayan bilang bahagi ng programa sa pagdiriwang
  4. Pagtataguyod ng kumperensiya na ang pokus ay paggamit ng wika para sa pagpapalutang ng identidad ng pagka-Pilipino.
  5. Paggawa ng poster para sa kabansaan na nagsusulong ng isang wikang matibay na nagbibigkis ng bayang maunlad
Agosto 22-28  Wikang Filipino, Wikang Panlahat para sa Matatag na Lipunang Pilipino
  1. Pagtatanghal ng masining na dula-dulaan, tula at talumpatian para sa pagpapatatag ng edukasyon at kultura at nagpapahalaga sa sariling pag-iisip, dangal at marangal na adhikain bilang malayang bansa.
  2. Pagpapalakas ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo
  3. Pagpapagamit ng wikang Filipino sa mga talakayan sa loob at labas ng silid aralan
  4. Pagbuo ng programa sa wika na magpapakita ng matatag na lipunan.
  5. Pagtatanghal ng programa na sa kabuuan ay para sa kapakanang pang-edukasyon at pangkultura.
Agosto 29-31  Wika ay Kakambal ng Kapayapaan sa Pagtahak sa Tuwid na Daan
  1. Pagtataguyod ng pampaaralang timpalak sa pag-aayos ng mga silid-aralan na nagtatanghal ng isang buwang pagpapahalaga sa wikang pambansa.
  2. Pagtatanghal ng masining na timpalak sa pagbigkas na ang paksa ay ang paggamit ng wika sa pagtahak sa tuwid na landas.
  3. Pagdaraos ng palatuntunan na nagtatanghal ng wika bilang kakambal ng kapayapaan sa pagtahak sa tuwid na landas.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Buwan ng Wika 2012" was written by Mary under the Events category. It has been read 28267 times and generated 21 comments. The article was created on and updated on 02 July 2012.
Total comments : 21
Owebwe [Entry]

oral lipitor 80mg <a href="https://lipiws.top/">buy atorvastatin 10mg online cheap</a> atorvastatin 20mg price
reynante . gaufo [Entry]

Tibay,Lakas at Tatag abng siyang sumasagisag ng Wikang Filipinong maunlad
homie [Entry]

anu ibig sabihin ng tema ngayon?
zenaida sacome [Entry]

ano po ba ang mga katanungan sa tagisan ng talino sa taong ito? salamat po
mae [Entry]

anu poh ba ang ibig sabihin ng temang tatag ng wikang pilipino lakas ng pagka pilipino? para poh mdlin maintndihan
jay ayuban [Entry]

Ano po ba ang mas mainam na isyu na tatalakayin bilang paghahanda sa paggawa ng talumpati para sa buwan ng wika ngayong 2012?
frances lorenz [Entry]

hindi ko nakuha yung tamang sagot but thank you na rin
christian [Entry]

hahahha..yontopic namin ay si MANUEL L. QUEZON ..hahaha,,nakakatawa talaga
mary cesarius dumalanta [Entry]

hahah...nagsesearch ng mga ideas para mamat\ya...jose rizal ang topic namin...hahha///nakakatawa talaga
dodong [Entry]

anong tema ng buwan ng wika
ngayong 2012?
Guest [Entry]

dodong, ang tema po ay "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino."
dodong [Entry]

anong tema
carlos [Entry]

hindi ko na lam kong ano.
MARC EDSON PADAYAO [Entry]

hehe.....
JELLALSKIE [Entry]

IKASA MO NA YANNNNNN/////????????
irene [Entry]

bogo lolo
ROLDAN DELA CRUZ [Entry]

hayyyyyyyyyyyyy buhay nga naman!!!!!!!!!!!!
ROLDAN DELA CRUZ [Entry]

Sana manalo naman ako sa sanaysay this 2012-2013 hope ko na sana di ipagkait sakin ng poong maykapal itong responsibiliting ito dahil isa ako sa nagmamahal ng totoo sa lupang tinitirhan ko.

:):):):):):)
jobtam lee [Entry]

wow kayganda talaga maraming events super excited yeheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeey!!!!....
Richard Toliao [Entry]

Napakaganda ng temang nailahad sa lahat ng paaralan.Siguradong mas pagyayamanin pa nila ang wikang ating ipinagmamalaki. Lubos akong nasisiyahan sapagkat malaki ang tulong ng pagyaman ng wikang Filipino sa ating lahat. Ikinararangal kong ipagmalaki ang wikang minsang nang nagdulot ng pagbabago sa ating buhay, ang pagyaman ng ating mga isipan dahil sa iisang wika at pag-unlad ng ating kultura dahil sa ating pag-alala sa pambansang wika. Salamat ang naging daan kayo upang lalong maintindihan ng sambahayang Pilipino ang kahalagahan ng isang pambansang wika. Sana maging matagumpay ito.
johnrey E. Eustaquio [Entry]

love you