Home » Articles » Schools / Universities

Heto Ang Iba’t-Ibang Uri Ng Kalayaan At Ang Mga Halimbawa Nito URI NG KALAYAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang uri ng...

Heto Ang Iba’t-Ibang Uri Ng Kalayaan At Ang Mga Halimbawa Nito



URI NG KALAYAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang uri ng kalayaan at ang mga halimbawa nito.Ang kalayaan ay may maraming kahulugan depende sa konteksto nito. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay ang katangian ng kilos loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.



 
Ang kahulugan ng kanyang sinabi ay ang kalayaan ay ang kakayahan ng isang tao na gumamit ng kanyang kilos-loob upang mag desisyon sa isang partikular na bagay o kilos.



May dalawang uri ng kalayaan:



 
1. Panloob na Kalayaan

Ayon pa rin obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino, ang panloob na kalayaan ay nakasalalay sa kilos-loob ng tao.



 
Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:



Kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o hindi magnaisKalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin



2. Panlabas na Kalayaan



 
Hindi katulad ng panloob na kalayaan, ang Panlabas na kalayaan ay naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik. Ito’y posibleng mabawas o maalis ng lubusan kapag ito’y na impluwensiyahan ng puwersa sa labas ng tao.



Isang halimbawa nito ay ang pagkakulong. Kapag nagawa ito, wala ng kalayaan ang isang tao at mawawala rin ang kanyang panlabas na kalayaan.



Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.



BASAHIN DIN: New Year’s Resolution Talata Halimbawa – Aking New Year’s Resolution
 



 




 
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Heto Ang Iba’t-Ibang Uri Ng Kalayaan At Ang Mga Halimbawa Nito URI NG KALAYAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang uri ng" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 418 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 06 September 2021.
Total comments : 0