BOURGEOISIE – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung sino nga ba ang mga bourgeoisie sa modernong panahon na ating makikita. Ang mga Bourgeoisie ay binubuo ng mga mangangalakal, mga nagtatrabaho sa banko bilang mga imbestor, may-ari ng barko, negosyante, at mga namumuhunan.
Kapag sinabi natin na bourgeoisie , sila ang mga taong nasa gitnang antas ng lipunan. Pero, sila rin ay mayroong kapangyarihan at maimpluwensiya pagdating sa ekonomiya. May malaking pagkakaiba sa pamumuhay ng mga Bourgeoisie at mga aristokrasya, mga magsasaka, o kaya naman sa mga pari.Ang kanilang yaman ay hindi nakukuha sa pagkakaroon ng labis na lupa kundi galing sa industriya at kalakalan. Dahil sa kanila, marami ring mga tao ang nagkakaroon ng trabaho.
Heto ang mga halimbawa at kahulugan ng Bourgeoisie:
Ang mga MangangalakalSila ang mga pangunahing bumubuo sa mga bourgeoisie o gitnang uri na matatagpuan sa Europa. Sila’y nagkakaroon ng ekspedisyon para maghanap ng pamilihan at magkaroon ng malaking kita.BankerSila ang mga taong nagmamay-ari o namamahala sa mga banko.May-ari ng BarkoSila ang mga tao o grupong nagmamay-ari ng barko na ginagamit sa pangangalakal.Negosyantemga tagagawa o tagabenta ng mga produktong maaaring gamitin o ikalakal ng mga mangangalakalNamumuhunan namamahala sa kung magkano ang patong o tubo ng isang produktong kanilang ipagbibili
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ugnayan Ng Tao At Kapaligaran Halimbawa At Kahulugan
0 comment(s) for this post "Sino Ang Mga Bourgeoisie? – Halimbawa At Kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.
- https://www.affordablecebu.com/