Home » Questions » Unexperienced [ Ask a new question ]

Liham ng pagbebenta ng produkto

Liham ng pagbebenta ng produkto

Asked by: Guest | Views: 30
Total answers/comments: 1
Guest [Entry]

"Narito ang isang halimbawa ng liham na may motibong magbenta ng produkto:

Sa kinauukulan,

Magandang Araw!

Ang layunin ng liham na ito ay para ipakilala ang aming bagong produkto. Ito ay ang Garcinia Cambogia Supplements, na isang produktong gawa sa prutas na Garcinia Cambogia na may maraming benepisyo sa katawan:

• May kakayahang makapagpababa ang timbang

• Nakakatulong maibsan ang depresyon

• Sumusuporta sa pagtatangal ng kolesterol sa katawan

• Nakakatulong sa pagpipigil ng gutom (para sa mga nagdidyeta)

• Nakakatulong sa paggamot ng Gastric Ulcer

• Pinapabilis ang metablolismo

• Maaring makatulong sa pag ibuyo ng Ketosis

• Nakakapagpaluwag ng daluyan ng dugo para maiwasan ang sakit sa puso

• Nakakapagpataas ng endurance oh ang tibay ng katawan laban sa pagkapagod

• Nakakatulong maisaayos ang Hemorrhoids

• May kakayahang mapahupa ang iba't ibang uri ng pamamaga

Ang produktong ito ay sisimulang ipamili sa darating na Disyembre at bilang presyong panimula, ito ay maaaring mabili sa halagang 100 piso lamang ang isang bote.

Lubos na gumagalang,

Amy"