Home » Articles » Legal Advice

‘Floating’ status ng empleyado maari bang magtagal ng higit 6 na buwan?

‘Floating’ status ng empleyado maari bang magtagal ng higit 6 na buwan?
"Dear Attorney,

Tama po ba na nasa walong buwan na po kaming floating status sa aming kasalukuyang kompanya? Nabasa ko po kasi ang column mo tungkol sa floating status at ayon sa inyo ay dapat hindi ito lalagpas ng anim na buwan. —Jenny

Dear Jenny,




Noong lumabas ang column ko noong October 2019 at April 2020 na kapwa ukol sa floating status ay hindi pa iniisyu ng Department of Labor and Employment ang Department Order No. 215 series of 2020 na inilabas lamang noong Oktubre 2020.

Bago inilabas ang DO No. 215-2020, hanggang anim na buwan lang talaga maaring ilagay sa floating status ang mga empleyado.




Matapos ang anim na buwan na ito ay kailangan nang mamili ng employer kung pababalikin na nila sa trabaho ang mga nasa floating status o tuluyan na silang tatanggalin sa trabaho. Kung magpasya ang employer na tuluyan nang sisantehin ang mga empleyado kailangan niyang patunayan na dahil ito sa pagkalugi o sa iba pang mga dahilan na pinapahintulutan ng Labor Code.

Higit sa lahat, kailangan niyang bayaran ng kaukulang separation pay ang mga tinanggal na empleyado.

Ngunit dahil sa pandemya at upang mapigilan ang pagkalugi at pagsasara ng mga kompanya na magreresulta sa tuluyang kawalan ng trabaho, inisyu ng DOLE ang nabanggit kong DO No. 215-2020 na nagbibigay pahintulot sa pag e-extend ng floating status ng karagdagang anim na buwan pa.

Hindi naman kawawa ang mga empleyado sa bagong patakaran na ito dahil pinapayagan sila sa ilalim ng DO No. 215-2020 na maghanap  ng ibang trabaho habang sila ay nasa floating status.

Sa ilalim ng nasabing Department Order ay hindi maaring ipagpalagay ng kompanya na nag-resign ang mga empleyadong namasukan sa ibang employer matapos i-extend ang kanilang floating status. Kailangang ibalik pa rin sa dati nilang mga posisyon ang mga empleyadong ito pagkatapos ng anim na buwan o kaya’y bayaran ng karampatang separation pay kung hindi na sila pabalikin at tuluyan nang alisin." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"‘Floating’ status ng empleyado maari bang magtagal ng higit 6 na buwan?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 590 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Capncy [Entry]

order lipitor generic <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 80mg canada</a> order atorvastatin 10mg online cheap